That night was smooth naman with Noah and Claui. Talagang ipinilit ni Claui sa isa't-isa ang dalawa dahil nagkakahiyaan pa ito noong una pero nang magtagal naman na naroon kaming nagsasaya ay unti-unti na ring naging comfortable sila sa isa't-isa kaya naman nang makita namin 'yon ni Claui ay hinayaan na namin sila. May mga nakita kaming mga kaibigan dati noong college kaya nagsama-sama kami. Nakita pa nga namin si Mr. Ladezma at lumapit ito sa grupo namin dahil kaibigan pala siya ng iba kong mga kaibigan doon dati kaya nakasama ko siya roon. Nakita ko namang mabait siya at magaan kasama dahil kahit parang laging seryoso ito sa buhay ay marunong pa rin ngumiti, tumawa at makipagbiruan doon. Hindi rin makapaniwala si Claui na may business trip nga ako sa New York at si Mr. Ladezma ang kas