Kahit puno ng galit at sakit ang nararamdaman ko sa oras na 'yon ay nakauwi naman ako sa manila ng maayos. Takot na akong masaktan ulit physically kaya naman nag-ingat ako sa pagd-drive ko kahit na iyak ako nang iyak sasakyan. Sa penthouse ako umuwi dahil naroon naman halos lahat ng gamit ko kaya nag-impake ako kaagad. Umiiyak ako habang inilalagay ang mga damit ko sa malaking maleta. Wala naman akong balak na lakihan ang maletang dadalhin ko sana kaya lang ay nagbago ang isip ko kaya naman malaking maleta na ang gamit ko ngayon. Sobrang gulong-gulo ako ngayon at hindi kona alam ang gagawin ko. Gusto kong magwala at ikalat lahat ng mga gamit doon pero hindi ko magawa dahil alam kong mas mauubos lang lalo ang lakas ko. Umiyak lang ako nang umiyak doon dahil 'yon lang naman ang magagawa ko