Kumain lang kami ni Lance sa restaurant doon sa hotel at nakalimutan kong nasa New York nga pala ako kaya hindi ako nakatakas sa mga paparazzi na nakakita sa akin doon. Hindi ko na lang pinansin at hindi ko na inisip pa dahil wala na akong oras para roon. Kung ano man ang isipin ng mga tao ay wala na akong pakialam. Buhay ko 'to at gagawin ko lahat ng mga gusto kong gawin. "I'll go for a walk. Do you want to come with me?" tanong sa akin ni Lance nang matapos kaming kumain. Pabalik na kami room namin at naglalakad kami sa hallway. Nag-isip muna ako sandali kung sasama ba ako sa kaniya at sa huli ay napatango na lang. "Sure. Magpapalit lang ako ng damit," sagot ko sa kaniya dahil malamig sa labas. Nagsisimula pa lang ang winter dito at gustong-gusto ko kaagad ang lamig kahit na hindi ko