Dalawang araw ang lumipas at nakapagsimula na rin kami sa sadya namin ni Lance rito sa New York. Nakapaglibot na rin kami at paminsan-minsan naman ay pinipilit ko lang mag-enjoy para naman hindi isipin ng mga kasama ko na boring akong kasama. Ilang araw na rin kasing masama ang pakiramdam ko at laging pagod ang katawan ko. Ayoko namang bumalik ako ulit sa pagka-depress dahil alam kong hindi maganda ang magiging epekto nito sa akin. Naranansan kona 'yon at nalagpasan kaya hindi kona ulit hahayaan ang sarili ko na pagdaanan kong muli iyon. Habang nasa meeting kami kasama ang mga iba't-ibang businessman at businesswoman. Kanina pa ako hikab nang hikab at ramdam ko ang pagkaantok at pagkagutom. Kanina pa rin naman ang meeting at patapos na kaya hihintayin ko na lang matapos. "Ayos ka lang ba