"We're not yet done talking, Ariana. Hindi ako pumunta rito para lang sa wala. Bakit mo ako pinapaalis? Kasi nakakaistorbo ako sa inyo ni Ladezma?" sabi sa akin ni Jacob pagkatapos ay muling pumasok sa loob ng room ko. Mas lalong bumilis ang paghinga ko roon dahil hindi ako makapaniwala sa mga salitang naririnig ko mula sa bibig niya ngayon. "Hindi rin kita pinapunta rito para insultuhin at paghinalaan ako ng mga wala namang kakwenta-kwentang bagay, Jacob! Bakit ba ibinabalik mo sa akin ang mga bagay na ikaw naman mismo ang gumagawa ha?!" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya gamit ang pasigaw kong boses. Mas naramdaman ko ang mainit na luha sa magkabilang pisngi ko at naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil hinahayaan kong umiyak ang sarili ko sa harapan niya ngayon! Wala akong kahit na ano'