I spent my whole day watching movies in Netflix and kwentuhan with my friends. Hindi talaga umalis si Noah at Claui roon hanggang sa maghapon kahit na parehas silang may trabaho. Si Jacob naman ay abala sa mga ginagawa niya at paminsan-minsan naman ay nakikisali siya sa kwentuhan naming magkakaibigan. "Ilang taon na rin akong nagtatrabaho. Panahon na siguro para mag-asawa na rin ako," sabi ni Noah pagkatapos ay napasandal na lang sa upuan. Nagkatinginan naman kami sandali ni Claui pagkatapos ay napangisi na lang ako nang makita ang natatawa niyang mukha kaya napailing na lang ako. "Lakas ng loob mo e wala ka namang pakakasalan!" pang-aasar na sabi ni Claui kay Noah. "Pinagpalit sa malapit," sabi ko pagkatapos ay bahagya akong natawa. "Ah talaga ba, Ariana at Claudia?" sarkastikong tan