Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pinalabas sa hospital at tuwang-tuwa ako sa araw na 'yon dahil sa wakas ay hindi lang apat na sulok ang makikita ko dahil lalabas na nga ako. Hindi na rin naman ako nababagot noong nakalipas na araw dahil pumayag na si Jacob na gawin ko ang ibang trabaho ko, pero magagaan lang naman 'yon katulad ng mga dapat kong pirmahan. Ang bilin din daw kasi ni Nikolai ay 'wag muna akong ma-stress sa lahat kaya naman todo alaga sa akin si Jacob. Totoo nga rin ang sinabi niya sa akin na babawi siya sa akin kaya naman para lang akong bumalik sa pagkadalaga dahil halos araw-araw ay nanliligaw talaga sa akin si Jacob. Talagang binili niya sa akin ang lahat ng mga pagkain na hindi ko nakain noong nasa hospital pa ako kaya naman tuwang-tuwa ako at kinain ko talaga an