DAHIL SA NANGYARI noong isang araw, napilitan silang mag-hire ng guwardya. Sariwa pa rin sa utak ni Daisy ang nangyari. Na-trauma siya dahil doon. Noong araw na may nagpadala ng isang misteryosong kahon at sumabog ang kotse ng asawa niya, tumawag kaagad sila ng pulis. Naghanap ito ng mga clue kung sino ang maaaring gumawa noon pero wala silang nakita. Planado raw ang lahat kaya kahit isang ebidensya, walang nakita. Iyong CCTV naman sa harap ng bahay nila, sira kaya hindi nakuhanan ang nangyari. Nagtanong sila sa mga kapitbahay nila pero katulad nila, sira rin ang mga CCTV. Plinano nga ang lahat at mukhang matalino ang gumawa. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ang may gawa noon. Iyon ang nagdala ng takot sa buong village kaya habang maaga pa, pinapatugis na agad. "Honey, are y