KINABUKASAN, HINDI PINANSIN ni Daisy si Hugo dahil sa ginawa nito last night. Hindi niya ba alam kung bakit inis na inis siya. Pero sino ba naman ang hindi maiinis, e nasukahan ka? Tapos iyong ibang suka, pumasok pa sa bibig niya kaya sinong hindi madidiri? Matapos nga niyang maligo, hindi siya tumabi kay Hugo dahil mas pinili niyang matulog sa couch. Hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin iyon kay Daisy dahil kagabi lang nangyari. Tapos kanina, hindi pa siya nakapag-concentrate sa pagkain dahil palagi niyang iniisip. Kaya umalis si Hugo na hindi sila nagkakausap. At ito pa ang nakakatuwa dahil kaninang umaga, pinangaralan niya ito at ang sagot nito sa kaniya'y wala raw itong alam sa ginawa nito! Ni hindi raw nito alam na nagsuka sa kaniya. "Mukhang may problema kayong mag-asawa, a."