LUMABAS SI DRIE ng banyo dahil kakatapos lang niyang maligo. Kaagad siyang nagbihis ng damit. Nang matapos ay umupo siya sa kama at tahimik na sinuklayan ang sarili. Sobrang saya niya dahil kasama niya muli ang Ate Daisy niya lalo na ang cute niyang pamangkin na si Uziel. Every time na nakakasama niya ang mga ito, palagi siyang nagiging masaya. Sino ba naman ang hindi sasaya, e maka-ate siya? Close niya ang Ate Daisy niya kaysa sa Kuya Vince niya. Mayamaya pa ay nakarinig na lang siya ng kalabog sa ibaba kaya nagulat siya nang bahagya. Pinag-iisipan niya kung bababa ba siya o hindi kasi hindi pa siya tapos. Napag-isipan na lang ni Drie na mamaya na at tatapusin niya muna ang kailangang tapusin. Nang matapos sa pagsusuklay, nagtiklop muna siya ng mga damit nila. Marami-rami iyon kaya natag