"TULALA KA, DAISY?" Natigilan na lang si Daisy nang marinig ang boses na iyon. Nang balingan niya ang pinanggagalingan ng boses ay nakita niya si Jamilla na naglalakad patungo sa kaniya. Hindi siya umimik bagkus ay inayos lang niya ang desk niyang magulo dahil sa mga naglakat na papel. Pinagpatas niya ang mga ito at inilagay sa isang tabi. "Hey, kinakausap kita, Daisy. Bakit tulala ka? At mukhang malalim ang iniisip mo, a. Ano bang nangyari?" "Wala naman, Jamilla. Iniisip ko lang si Uziel. I really missed her." "E, bakit kasi hindi mo kuhanin kay Hugo? Kung ayaw niyang ibigay, e 'di isumbong mo na lang sa pulis. Matutulungan ka nilang makuha ang anak mo kay Hugo. Ikaw kasi, e, hindi ko naman alam sa iyo kung bakit hindi mo pa kinuha noon." "Hindi ko alam, Jamilla. I'm confused. Minsan