MATAPOS IPAGDASAL SI Uriel, umuwi na agad si Daisy sa kaniyang bahay para mag-ayos dahil babalik na siya sa restaurant niya. Magpapatuloy siya sa pagtatrabaho dahil malakas na naman siya. Isang buwan na nga pala ang lumipas nang kuhanin ni Hugo si Uziel sa kaniya. Miss na miss na niya ang anak niya. Segu-segundo ay palaging nasa utak niya ito. Pinipigilan lang niya ang sarili ngayon. Ni hindi niya ni-report ang ginawa ni Hugo. Kahit galit siya rito, pinagkakatiwalaan niya pa rin ito dahil alam niyang aalagaan nito si Uziel lalo pa't kimupirma niya anak nito talaga si Uziel. Sa mga araw na nagdaan, walang araw ang hindi sita umiiyak. Sa ngayon, hahayaan na muna niya si Hugo na makapiling ang anak dahil may karapatan din ito. Nang makarating siya sa bahay niya ay kaagad siyang nagpalit ng