"WHERE IS DAISY?" Ayon kaagad ang tinanong ni Hugo nang malapitan niya si Cecilia. Inabot nito si Uziel sa kaniya na kaniya namang kinuha. "Kanina po, narinig ko siyang kausap iyong babaeng palaging napunta rito. Ang narinig ko po ay pupunta sila sa Baguio para puntahan si Kuya Uriel." Marahil ay si Jamilla ang tinutukoy nito. Tinanguan lang niya si Cecilia saka umupo sa couch na nasa tabi lang niya habang karga pa rin ang anak. Malakas ang loob niyang manatili nang matagal dahil nasa Baguio si Daisy, mamaya pa ang uwi nito. He won't waste this precious time. Yes, he called it precious dahil mahalaga ang oras kapag kasama niya ang anak niya. But he can't help but felt sad for what happened to his traitor friend. Kahit trinaydor pa rin siya ni Uriel, hindi pa rin niya maiwasang malungkot