"THIS IS YOUR fault, Daisy! Kung hindi dahil sa iyo, baka hanggang ngayon ay buhay pa ang anak ko! Anong klase kang tao?!" bulyaw nito sa kaniya Walang nagawa si Daisy kundi ang humagulgol habang nasa harapan sila ng bangkay ni Uriel. Kanina pa siyang binubulyawan ng mama nito pero hindi niya alintana iyon. Hindi niya makita ang katawan ni Uriel dahil may taklob itong puting tela. Sabi ng pulis, sunog na sunog si Uriel at halos hindi na makilala kaya minabuti na lang nilang takluban. At wala siyang lakas na makita sa Uriel sa ganoong sitwasyon. "Nang dahil sa iyo, namatay ang anak ko!" muling bulyaw nito sa kaniya at sinampal pa siya nang pagkalakas-lakas. "Mama, bakit po ako ang sinisisi niyo? Wala naman po akong ginawa para mangyari ito kay Uriel. Hindi ko po magagawang patayin siya.