LIMANG BUWAN ANG nakalipas... Hindi namalayan ni Daisy na mabilis na lumilipas ang araw. At ngayon, malaki na ang anak niyang si Uziel. She can't believe right now. Walang dinanas na hirap si Daisy sa mga buwang nagdaan. Ni hindi nagpakita ang dalawang malas sa buhay niya, sina Hugo at Katarina. Limang buwan, limang buwan na niyang hindi nakikita ang mga ito. Marahil ay na-realize ni Hugo na hindi talaga nito anak si Uziel. Nagpapasalamat naman si Daisy dahil hindi nanggugulo ang dalawa lalo na si Katarina. Iyong mama naman ni Uriel, limang buwan na rin niyang hindi nakakausap. Ang huli nilang pag-uusap ay iyong sinabi nito na hiwalayan niya si Hugo. Ni hindi nito ginawa ang sinabi nito na ito mismo ang kukuha kay Uriel. Masasabi ni Daisy na masaya siya sa mga nagdaang buwan at nawa'y pan