"ARE YOU PLANNING to escape again, huh?" "Puwede bang tumigil ka na, Katarina! Ang dami mo nang kasalanan! Sumuko ka na sa pulis!" "Sa tingin mo, gagawin ko iyang gusto mo? No, hindi ko hahayaang makulong ulit ako. Bakit ba kasi ang tigas ng puso mo, ha? Puwede mo namang mahalin ako." "Kahit kailan, kahit paulit-ulit kong sabihin sa iyo, hindi ko gagawin ang gusto mong mangyari. Nagpapakatanga ka lang, Katarina! Hindi kita mahal at isaksak mo iyan sa kokote mo!" nanggagalaiting sigaw ni Hugo kay Katarina. Tumalim ang tingin nito sa kaniya kapagkuwan ay bigla na lang nagwala. Kung anong mahawakan nito, tinatapon. Binaril din nito ang kisame nang ilang beses. "Akin ka lang, Hugo! Akin ka lang simula nang maging tayo. Hindi ko hahayaang makawala ka rito dahil alam kong magiging masaya ka