MARAMING ARAW ANG lumipas, laking gulat na lang ni Daisy na kabuwanan na niya. "Woah! I can't believe this, babe. Ngayong buwan ka na manganganak. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nang maging tayo," nakangiting sabi ni Uriel habang nakahiga sa kaniya— nakapatong ang ulo nito sa mga hita niya. Ngumiti siya saka hinawakan ang mukha nito. "Kaya nga, e. Malapit na nating makita ang anak natin. Ano kaya ang gender niya? Excited na akong manganak, Uriel." Mas pinili nilang hindi malaman ang kasarian ng anak niya para surprise. Sa mga buwang nagdaan, nangyari ang peace na gusto ni Daisy. Hindi nagpakita sina Hugo at Katarina sa kaniya kaya naman naging masaya siya. Bumaba rin ang expectation niya na maaaring kuhanin ni Hugo ang anak niya sa kaniya. Ilang buwan na rin niyang niloloko si