NANGANAK NA SI Daisy. Paulit-ulit na rumihistro ang mga katagang iyon sa utak ni Hugo. Simula nang malaman niya sa source niya, hindi na niya maalis sa utak niya. Nanganak na si Daisy and it made him happy for some reason. Gusto niyang makita ito— gusto niyang kalungin ang anak niya. Sigurado talaga siya na anak niya ito at nagsisinungaling lamang si Daisy. Malakas ang kutob niyang anak niya talaga ito. Ngunit paano siya makakalapit kung nandoon si Uriel? Damn that man, bakit pa kasi dumating sa buhay ni Daisy? At tungkol sa sinabi niya kay Daisy noon, totoo iyon, na mahal niya pa rin ito. Nagsisi siya sa ginawa niya noon. Pero sadyang matigas ang puso at ulo ni Daisy, ni hindi ito naniniwala sa kaniya. Hindi na siya nagulat, wala na itong tiwala sa kaniya. Ilang buwan siyang nanatili sa