"DAISY, NAKATULALA KA. What happened?" Natigilan na lamang si Daisy nang marinig ang boses ni Uriel. Nang lingunin niya ito, nakita niyang nakabihis na ito. Umiling siya saka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Ayos lang ako, Uriel. Huwag mo akong alalahanin," sagot niya. Hindi siya nito sinagot bagkus ay naramdaman na lang niyang dumikit ang katawan nito sa kaniya. "Tungkol ba ito sa nangyari noong isang gabi? Dalawang araw ka nang ganiyan, Daisy." "No, wala ito, Uriel. Sabi ko nga, ayos lang ako. Hindi mo na kailangang mag-alala pa sa akin dahil maayos lang ako. May iniisip lang ako na hindi mo na kailangang malaman pa." Nagsisinungaling siya. Hindi siya ayos. Iyong pagiging tulala niya, epekto ito ng tinutukoy ni Uriel. Hindi pa rin maalis sa utak niya ang nangyari noong naka