END

2076 Words
ITINAAS NI Kass ang lucky charm niya upang pagmasdan iyong mabuti.  Nasa backseat siya ng sasakyan ng kambal kaya kahit paano ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapag-isa.   Siguro dapat na niyang pakawalan ang piso na iyon.  Its what was holding her back to her past.  Iyon ang alaala ng kanyang nakaraan na hindi niya hindi magawang pakawalan kaya siguro, hindi rin siya makapag-move on.   Wait for me… Iyon ang naririnig niyang isinisigaw ng kanyang isip.  Pero hanggang kailan siya maghihintay?  Hanggang kailan niya hahawakan ang alaala na iyon ng kanyang kahapon.  She had her own wings now.  She could fly anywhere she wanted.  Marami ng nagawa si Icen para sa kanya.  Siguro naman panahon na para hayaan naman niyang makalaya ang kanyang sarili sa kahapon.  Gaya ng ginawang paglaya ni Icen sa pagkakatali nito sa pangako sa kanilang mga ama. Kaya ngayon, masaya na ito sa piling ni Erica. “Pero hindi ba’t nakakapagtaka, Jigger, na si Ice pa mismo ang nagbigay kay Erica ng tape na iyon?” “Yeah.  Iyan na nga rin ang iniiisip ko, Trigger.  I mean, what’s the point of showing it to her?  They’re getting marriage soon, right?  Hindi naman s*****a si Ice para ibigay kay Erica ang tape na iyon para lang pasakitan ‘yung pobreng babae.  Kung ako ang lalaki at mahal ko ang isang babae, I would never give her soemthing that would hurt her feelings.” “Hmm.  Very strange indeed.  Hindi maarok ng talino ko ang gustong mangyari ni Ice.” Binuksan niya ng bintana at inilabas ang kanyang kamay, hawak ang lumang piso na iyon.  Its time to say goodbye to her past.  Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagbilang.  Ngunit umabot na siya ng twenty ay hindi pa rin niya magawang pakawalan ang hawak.   Wait for me… “Kass, are you going to drop that or not?” “You have to decide now, girl.  Before Ice could catch up with us.” Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakitang nakangisi si Jigger habang nakaharap sa kanya mula sa passenger seat.  Si Trigger naman na nasa harap ng manibela ay pasulyap-sulyap din sa rearview mirror.  Saka lang niya naintindihan ang sinasabi ng mga ito nang mapansin niyang may kasabay na pala silang mabilis na kabayong tumatakbo sa gilid ng kalsada. “Icen!” “Stop the car!” sigaw nito. “What?” “Stop the damn car!” “Trigger, bilisan mo pa, ‘tol.  Subukan natin kung hanggang saan ang tatag ni Ice-Ice Baby.” Narinig niyang kasabay ng halakhak ng kambal ay ang malakas na mura ni Icen nang maiwan ito ng sasakyan nila.  Pero agad ding nakaabot ang binata. “Kassandra!  Make them stop that damn car now!” Nasaan si Erica?  Bakit nandito ito?  anong nangyari sa usapan nilang dalawa?  Nakapag-propose na kaya ito ng kasal? “Kassandra!” “Makakagulo lang ako sa inyo ni Erica, Icen!  Balikan mo na siya!” “No!  Damn it!  Pahintuin mo ang sasakyan ninyo para makapag-usap tayo ng maayos!” Malaking bahagi ng isip niya ang nagsasabihing hindi na siya dapat magtiwala dahil masasktan lang uli siya.  Ngunit buong puwersa ang puso niya na nagsasabing huwag niyang hayaang sa ikalawang pagkakataon ay makawala sa ang pangarap niyang pag-ibig. “Trigger…” “Are you sure?  Malapit na tayo sa helipad.” “I’m…”  humigpit ang hawak niya sa lumang piso sa palad niya.  “Mahal ko si Icen.  Kung mabibigo man ako ngayon, pakitapon na lang ako sa pinakamalapit na bangin dito.” “Sinabi mo iyan, ha?” Habang unti-unting bumabagal ang sasakyan ay ikinundisyon na rin niya agn kanyagn sarili sa mga posibleng marinig mula kay Icen.  He could hurt her easily.  Pero siya naman ang nagbibigay ng karapatan ditong saktan siya.  Dahil nga, minahal niya ito.  Huminto na ang sasakyan nila.  Nakita na rin niya mula sa sideview mirror na nakababa na ng kabayo nito si Icen at tumatakbong lumapit sa kanila.  And she was about to open the door it started again.   “Pahirapan lang natin siya ng kaunti, Kass,” wika ni Jigger.  He had a wicked smile on his lips now.   “Kapag sumuko siya sa paghabol sa iyo, we’ll bring you straight to your father.” Hindi siya makaimik.   “Alam mo,” dugtong naman ni Trigger.  “Sa mundo natin ngayon na puno ng VAT at buwayang pulitiko, kailangang sabihin mo ang lahat ng nararamdaman mo pagdating sa damdamin mo para malinaw ang lahat.  Kung hindi, you’ll just gonna end up crying again and again.” “Kaya kung makaabot si Ice, tell him everything you feel, Kass,” wika naman ni Trigger.  “Coz that guy over there, is hopelessly inlove with you.” Nilingon niya ang direksyon ni Icen.  Mabilis na itong tumatakbo ngayon upang maabutan lang ang sasakyan nila, without his horse. “Ang tanga!” sambit na lang niya. “That’s love.” “Stop the car!”  Agad siyang bumaba ng sasakyan nang tuluyan iyong huminto at sinalubong si Icen.  “Are you crazy?!  Bakit hindi ka bumalik at sumakay sa kabayo mo?  Mas mabilis mo kaming maaabutan kung binalikan mo ang kabayo mo!” Hingal na hingal na ito kaya hindi pa gaanong makapagsalita nang maayos.  Pawis na pawis din ito pero nang tuluyan itong humarap sa kanya ay saka lang niya napansin ang pamumula ng gilid ng labi nito.   “Ice, anong nangyari sa iyo?” “Si…sina Reid,” habol pa rin nito ang paghinga.  “They, ah…punched me…coz of what…I did…to you—whew!”  Isang beses pa itong nagmura at huminga ng malalim saka lang ito nakabawi kahit paano.  “Babalikan ko talaga ang mga iyon pagkatapos nating magkaayos.  Lalo na ang kambal na iyo.”  Nagmura uli ito. “Icen, bakit…bakit mo ako sinundan?” “Isn’t it obvious?”  Huminga uli ito nang malalim.  “I love you.  I had loved you all along, Kassandra.  Hindi ko lang pinapansin…ang nararamdaman kong iyon dahil lagi kang nawawala sa tabi ko.  Inisip ko noon na kung hahayaan ko ang puso kong mahalin ka nang husto, mabibigo lang ako.  You don’t want to surrender your freedom and I don’t want to force you to stay with me.  That’s being selfish.  Dahil noong una pa lang ay alam ko na kung anong klase ka ng babae.  Mahirap kang mahalin, Kass.  At tao lang din akong natatakot masaktan.  Because God only knows you’re the only woman I treasured most.  Mula pa nang araw na makita kitang umiiyak sa waiting shed na iyon dahil sa akin.  Nangako ako noon sa sarili kong hinding-hindi na kita bibigyan pa ng rason para umiyak at maging malungkot.  Kaya kahit hindi ako puwersahin ng Papa ko na alagaan ka, gagawin ko pa rin iyon.   “Noon pa man ay ikaw na ang babaeng pangarap ko, Kass.  Isang pangarap na napakahirap abutin.  Sa tuwing uuwi ka ng Pilipinas galing sa kung saan-saang sulok ng daigdig, bitbit ang mga trophy at medalya mo, ako ang pinakamasayang tao sa mundo.  I’m just so proud of you.  Bukod doon, siyempre dahil nakita kitang muli at kahit sa maikling sandali, alam kong makakasama kita.” “Pero hindi ba’t lagi naman tayong nag-aaway?” “Away?  Sino ang nagsabing away iyon?  Lambingan ang tawag dun.  Hah!”  Naupo na ito sa sementadong kalsada.  Mukhang hindi na nakayanan pa ang pagod.  “Kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sa iyo.  Naiinis ako minsan dahil sa kakulitan at kadaldalan mo.  Pero sabi mo nga, that’s just part of your charm.  And I can only agree.  Dahil sa tuwing matatapos ang argumento natin, lagi ko na lang nare-realized na nakangiti na pala ako.” Nagpipiyesta na ang puso niya sa mga sinabi nito.  Ngunit may ilang bagay pa ring hindi niya maiwasang hindi alalahanin. “Si Erica…paano na siya?  Hindi ba’t mahal mo siya?” “Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin doon sa End Valley.  Kung meron akong kahit katiting na doubt sa gagawin kong marriage proposal kay Erica, huwag ko ng ituloy.  Ang totoo, noong una pa lang ay nagdadalawang isip na talaga ako.  Lalo na nang magkaroon tayo ng pagkakataong magkasama sa iisang bubong.  I told you I’ve always wanted to spend more time with you.  Pagkatapos ay nakita ko pang pinuputakti ka ng mga Stallion boys, lumabas na ng tuluyan ang ibinaon kong damdamin para sa iyo.  I don’t want any guy looked your way.  Gusto kong akin ka lang.  At mas lalong ayokong didikit sa iyo ang kambal, not just because they’re such a troublesome twins.  But also because I know they could charm you off your pants if they wanted to.” “In short, nagseselos ka.” “Hell, yes!”  He brushed away the sweat bead on his forehead.  “Kinausap ko si Erica kanina dahil napaka-unfair na ang tape lang na iyon ang ibinigay ko sa kanyang sagot kung bakit nakikipaghiwalay na ako sa kanya.  In a way, mukhang natindihan naman niya.  Na ang babaeng nagpapahayag ng damdamin niya sa akin sa harap ng camera’ng iyon ang babaeng hindi ko kayang iwan.  Ang babaeng mahal ko pa rin hanggang gayon.”  May inilabas itong maliit na box mula sa bulsa riding jacket nito.  binuksan niya iyon at iniharap sa kanya.  “Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habambuhay, Kassandra.  Kung hindi mo kayang isuko ang kalayaan mo, huwag kang mag-alala.  I can adjust for you.  Adventurer din naman ako.  Sasamahan kita sa mga lugar na gusto mong puntahan.  Susuportahan kita sa lahat ng bagay na gusto mong gawin.  You can be the next Hitler for all I care.  Kung iyon ang gusto mo, fine.  I’ll provide you with gas chambers and swastika sticker signs.  Just let me stay with you.  And let me love you with all my heart, for the rest of my life.” Wala na siyang nagawa pa nang mga sandaling iyon kundi ang mapatitig na lang dito at sa singsing na iniaalay nito.  she had been dreaming of this all her life.  Pero ngayong nandito na, na nangyari na talaga, prang hindi pa rin siya makapaniwala.  Sa wakas, nagtagpo na rin ang kanilang mga puso. “Ang sabi ko noon, kung meron lalaking darating sa buhay na makakapgbigay sa akin ng rason para isuko ang kalayaan ko, I’ll take him.  Pero ang totoo niyan, ikaw lang ang tanging rason ko kung bakit ako naglalagalag, Icen.  Dahil gusto kong bigyan ka ng pagkakataong maging malaya sa sarili mong mundo.  Kung mananatili kasi ako sa tabi mo, alam kong lagi mong maiisip ang tungkol sa naging kasunduan ng mga ama natin pati na rin ang pangako mo sa kanila na lagi akong babantayan.  But now…if you want me to clip my wings, I’ll clip it for you, Icen.  I’m giving up my freedom for you.  I love you, too.” Hindi na ito makatayo dahil sa pagod kaya siya na ang lumapit dito.  Ikinulong niya sa kanyang mga palad agn mukha nito at maingat itong hinalikan sa mga labi nito.  Nag-aalala kasi siyang baka masaktan niya ang namamaga pang gilid ng mga labi nito.  Pero mukhang wala namng problema dahil mariing halik din ang itinugon nito sa kanya, punung-puno iyon ng pananabik at pag-ibig.  Lalo na nang mahigpit siya nitong yakapin. Di kalayuan, narinig niya ang pag-uusap ng kambal. “Tara, batsi na tayo.  Lagot tayo nito kay Ice kapag naka-recover iyan sa kahibangan niya sa pag-ibig.” “Mabuti pa nga.  Bye, Kass.  Maging maligaya ka na sana ngayon.” Lihim niyang kinawayan ang mga ito nang hindi inaalis ang kanyang mga sa mga labi ni Icen.  Next time, ang ibang Stallion boys naman ang pasasalamatan niya.  dahil kung hindi sa pagiging pabling ng mga ito, hindi magseselos si Icen at hindi rin lalabas ang tunay nitong damdamin para sa kanya. Good job, boys! At gaya ng sabi ni Ada, mabisa pala talaga ang Stallion Shampoo sa pang-aakit ng taong mahal niya.  Mabuti na lang at gumamit siya…         THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD