HINDI NAMAN nahirapan si Kass na hanapin ang kinaroroonan ng mga club members. Katatapos lang ng tila tournament ng mga ito kaya nagkakaipon-ipon sila sa Stallion Lounge at nagpapayabangan ng scores. Pero paano niyang kakausapin ang mga ito kung hindi naman talaga niya kilala ang mga ito, liban kina Jigger at Trigger na wala pa roon nang mga sandaling iyon.
“Kassandra.”
Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Apat na babae ang nakita niyang nakaupo sa table sa labas ng lang ng vicinity ng open-air na Stallion Lounge.
“Hi, girl. Kumusta ka na?”
“E…”
“Tamarra, hindi yata niya tayo natatandaan kagabi.”
“Oh, yeah, masyado ka nga palang lasing kagabi para maalala ang mga nangyari. Sige, halika at ipapakilala kita sa mga babaeng may hawak sa leeg ng ilan sa mga pinaka-importanteng miyembro ng Stallion Riding Club.”
Kung ganon, ang mga ito ang nagmamay-ari ng mga boses na narinig niya sa recorded tape na iyon sa bar kagabi. Ang mga ito ang ilan sa mga saksi sa isang napakalaking eskandalong nagawa niya sa buong buhay niya. Paglapit niya sa puwesto ng mga ito ay saka lang niya napansin na meron pa palang ibang tables and chairs na nakalatag doon. Isa-isa sa kanyang ipinakilala ni Tamarra ang mga babae roon na ang ilan ay buntis na.
Kahit paano, nakahanap siya ng kakampi sa mga ito dahil ipinagtanggol siya sa pobreng si Icen.
“So, bakit nandito ka sa Stallion Lounge?” tanong ni Paz Dominique. “Hinahanap mo si Icen the jerk?”
“Dominique,” saway ni Tamarra.
“What? Talaga naman, hindi ba? He’s such a jerk for hurting Kass that way. Ano ba? Mabuhay ang Pilipinas dito! Ipagtanggol natin ang mga kababaihan!”
“S-sandali lang,” singit na niya bago pa lumala ang lahat. “Ang totoo, gusto kong makausap ang mga club members.”
“What for?” tanong ni Saskia. “Kaya nga hiwalay kami ngayon sa kanila dahil hati kami ng pananaw. Kinampihan ka namin at sila, since kauri nila si Icen, siya ang kinampihan nila.”
“Oo nga,” segunda ni Sonja. “Hayaan mo na lang ang mga kurimaw na iyan. Kung gusto mong gantihan si Icen, Kass, sabihin mo lang at kaming bahala. Hindi ka namin hahayaang apihin ng Icen na iyon.”
“S-salamat. Pero may gusto lang kasi akong linawin sa kanila kaya kailangan ko silang makausap.”
Nagkatinginan sa isa’t isa ang mga ito. Hanggang sa muling magsalita si Tamarra.
“Okay, I’ll call Reid.” Tinawagan nito sandali ang lalaki sa telepono.
Nagulat pa siya nang ilang sandali lang ay heto na ang hari ng Stallion Riding Club. Hinalikan nito si Saskia sa tungki ng ilong nito paglapit sa babae.
“Problem, hon?”
“Gusto raw makausap ni Kass ang lahat ng Stallion boys. Nandiyan ba kayong lahat?”
“What you mean is kung nandiyan din si Icen?” Binalingan siya ni Reid. “He’s not there.”
“Halatang guilty,” sambit ni Jemaica. “Ayaw magpakita sa madla.”
“Ah, no,” aniya. “Mas okay nga na wala siya riyan. Kayo lang ang gusto kong makausap. At kayo na rin,” baling niya sa mga babae.
“Then let’s get inside the Stallion Lounge.”
Pagkatapos ng ilang minuto, mula sa kinatatayuan niya sa makeshift stage na iyon ay kaharap na niya ang karamihan sa mga club members pati na ang asawa ng ilan sa mga ito. Nilunok niya ang pride at kahihiyan para matapos na rin ang problema.
“Ahm, pasensiya na sa istorbo,” umpisa niya. “Alam kong nabigyan ko kayo ng problema sa pagdating ko rito sa nananahimik ninyong riding club. Pasensiya na, hindi ko iyon sinasadya. Ahm…siguro alam na ng karamihan sa inyo na…naging fiancee ako ni Icen noong unang panahon. Well, totoo iyon. Ipinagkasundo kami sa isa’t isa ng mga tatay namin pero ni minsan ay hindi namin sineryoso iyon dahil pareho kaming naniniwala ni Icen na may kanya-kanya kaming buhay at kami lang din dalawa ang makakapili kung sino ang gusto naming makasama sa hirap at ginhawa. Iyon ang rason kung bakit parang, in a way, kami na hindi. I’m sorry sa kaguluhang ibinigay ko. Pero ang totoo talagang girlfriend ni Icen ay si Erica. Hindi ako. Ni minsan, hindi naging kami. Sa mga nakarinig ng nasabi ko kagabi sa bar dahil sa kalasingan, totoo iyon. Pero walang kasalanan sa nangyari si Icen. Kasalanan ko kung bakit ako nasaktan nang husto dahil ako ang nagmahal. Kaya kung meron mang dapat ninyong pag-initan, ako iyon. Hayaan nyo na lang si Icen. Please.”
Hinayaan niyang ma-absorb ng mga tao roon ang kanyang mga sinabi. Pinagmasdan niya ang mukha ng bawat isa habang hinihintay na may manumbat o mang-insulto sa kanya. Pero walang sinoman sa mga ito ang nagsalita. Si Reid lang.
“We know.”
“Ha?”
“We already know what happened between the two of you. Kung hinihintay mo ang opinyon namin tungkol dito, I suggest huwag ka ng umasa. Kung anoman ang pananaw namin sa mga nangyari, sa amin na lang iyon. Huwag ka na ring mag-alala na may ibang makakaalam nito bukod sa mga club members. Nobody else but the people who’s here right now would know about it. As for the surveillance tape, iisa lang ang copy niyon at ibinigay na iyon ng ating security expert na si Myco kay Ice. Kung may ibang kopya na kakalat, isang tao lang ang puwede mong mapagbintangan.”
Kaya pala wala man lang kaalam-alam si Erica sa mga nangyari nang nagdaang gabi. Nanatili at mananatiling lihim ang lahat ng iyon sa mga miyembro ng Stallion Riding Club.
“Ah, question,” nakilala niya ang nagtaas ng kamay na si Rolf. “Totoo bang mahal mo si Icen? I just want an honest answer.”
Lahat ay napunta sa kanya ang atensyon. Wala siyang nagawa kundi ang sumagot tutal naman, panatag na siyang walang sinoman ang makakaalam niyon. These people could keep a secret, even to their co-members. Puwede na niyang ipaalam, sa iilang tao, ang kanyang nararamdaman.
“Oo,” sagot niya.
“Then why the heck wouldn’t you do anything about it?”
“I already did. He just…he just love someone else.”
Walang nakaimik sa mga ito. Patunay lamang na ang mga ito man ay walang magawa kapag damdamin na ng tao ang involved. Malungkot para sa kanya ang lahat ng iyon kaya lang, siya man ay wala ring magawa.
“Ahm, ‘yun lang. Salamat sa oras ninyong lahat. I’m leaving the Stallion Riding Club now. Nice to meet all of you.”
“Teka, paano si Icen? Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?”
“Next time na lang siguro ako makikipag-usap sa kanya. Baka bukas. Sa ngayon, gusto lang matahimik na muna.”
“Kassandra, feel free to visit SRC anytime,” wika ni Reid. “Ipalalagay ko na ang pangalan mo sa special guest ng permanente. Kaya puwede ka pa ring makapasok dito kahit walang imbitasyon, o kahit hindi kayo magkatuluyan ni Ice.”
Isang ngiti lang ang isinagot niya rito.
“Ako na ang maghahatid sa kanya sa Maynila,” presinta ni Ashly, ang official chopper pilot ng SRC.
“Ako na ang magdadala ng mga gamit mo, Kass,” presinta rin ni Ricos. “Baka gusto mong ako na rin ang magdadala sa iyo, sabihin mo lang. Okay lang sa akin.”
“Ricos, nasa labas si Genil.”
“Genil who?”
“You’re girlfriend.”
“Uy! Nagbabalik ang mga alaalala,” tukso ni Paz Dominique. Sa sarili. “Hindi ba, Zell dear? Ganyang-ganyan din tayo noon, right?”
“Of course not. Walang kapareho ang love story natin.”
“Aaw…sweet! Pa-kiss nga.”
“Hindi ko girlfriend ang Genil na iyon. Bakit ba kayo giit ng giit? Gigilitan ko na kayo diyan.”
Ang masasayang palitan ng asaran, love quotes, and sweet moments ng mga tauhan ng Stallion Riding Club ang naging baon niya sa kanyang pag-alis doon. Talagang babalik siya roon balang araw. She loves the place and the people. At dito rin niya binuksan ang puso niya para tuluyang ipaalam sa mundo ang nararamdaman niya sa taong naging bahagi na ng buhay niya mula pa noon.
“Hi! Anong meron?”
“Late na kayo,” wika niya sa kambal na kadarating lang mula kung saan. “Thanks for taking care of me while I’m here, Jigger, Trigger.”
“You’re leaving?”
“Paano si Icen? Nagkausap na ba kayo?”
“Bukas na lang siguro,” wika niya saka kinuha kay Ricos ang kanyang bag. “Thanks, Ricos. Huwag kang masyadong malupit kay Genil.”
“Argh!”
“Let’s go?” tanong ni Ashly.
“Wait,” pigil ni Jigger. O ni Trigger. Basta, isa sa dalawa. “Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa Maynila.”
“Sasabay na ako,” wika ng kakambal nito. “May naiwan kasi ako sa Maynila at kailangang kong makuha iyon.”
Kaya ang nangyari, ang kambal ang nakasama niya pag-uwi niya sa Maynila.
“Are you sure you want to leave like this, Kass?”
“Siyempre ayoko rin. Pero…gusto kong takasan ang marriage proposal ni Icen kay Erica. Kahit naman tanggap ko ng hindi magiging akin si Icen, napakaipokrita ko kung sasabihin kong hindi ako masasaktan sa mangyayari kung sakali.”
“You know, I really thought Icen would find out who he really wanted to spend the rest of his life with.” Napalatak na lang ito. “Sayang.”
“Hey, isn’t that…”
Napalingon siya sa direksyong itinuro ni Trigger. “Erica…?”
Bihis na bihis din ito at may itim na salamin sa mata. She really looked stuning. Ngunit tila may nagbago rin dito.
“Aalis ka na rin?” nakita kasi niya ang maleta sa tabi nito.
“Oo. Iibibigay ko lang sana ito.”
Iyon ang videotape ng naging confession niya sa bar kagabi. “Paanong…”
“Icen gave it to me. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga napanood ko rito. Hindi naman kasi siya nagbigay ng anomang explanation. But I think I get it now.” Ibinigay na nito sa kanya ang tape. “I can’t make him happy, Kass. Ikaw lang ang makakagawa nun.”
“Pero—“
“Erica.”
Dumoble ang kabog sa kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It was Icen. Oh, God. She still loves him so much! pero hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito dahil wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito.
“Can I talk to you, Erica?”
She bit her lip to keep it from trembling. Hanggang sa huli, si Erica pa rin ang pinili nito.
“Jigger, Trigger, can you wait for me? Kakausapin ko lang sandali si Erica.”
“Kami ba talaga ang sinasabihan mo o si Kassandra?”
“Kayong dalawang kutong lupa. Huwag kayong aalis.”
Pag-alis nina Erica at Icen ay nag-umpisa na rin maglakad palabas ng lobby. Sinabayan siya ng kambal.
“PInapaiwan niya kayo, hindi ba?”
“Who will drive you to the helipad?” balik-tanong ni Jigger. “Hayaan mo sila dun.”