CHAPTER 14

606 Words
NARINIG NI Kass na dumating na si Erica sa Stallion Riding Club nang araw na iyon kaya ito ang inuna niyang kausapin.  Inaasahan na niya ang reaksyon nito sa kanya ngunit nagulat siya nang masigla pa siya nitong batiin nang puntahan niya ito sa room nito sa Stallion Guesthouse. “Tamang-tama, Kassandra!  Pupuntahan na nga sana kita sa tinutuluyan mo, eh.  Halika!”  Hinila siya nito hanggang sa kuwarto nito.   Nagkalat doon ang iba’t ibang magazine tungkol sa wedding, from wedding dress to cakes.  Napakagat labi siya.  Halatang guilty.  Binuksan nito ang closet nito. “I couldn’t pick one dress para sa date namin mamaya ni Icen, Kass.  Puwede mo ba akong tulungan?  Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito niyang kulay na babagay sa akin.  I wanted to please him for tonight.” “E…” Erica picked out a blue dress.  “Ito kaya?  Its not my favorite color pero mukhang lahat ng lalaki ay gusto ng blue.  Ano sa palagay mo?” “Oo, bagay sa iyo iyan.” “Maybe we should call in Icen.  Tanungin mo siya kung ano ang paborito niyang kulay.  Huwag mo siyempreng sasabihin na ako ang nagpapatanong.  Gusto ko siyang surpresahin mamayang gabi.” She was starting to dial his number when she turned it off.  “May gusto lang muna akong itanong sa iyo, Erica.” “Ano iyon?” Kailan ka ba papangit?  “Wala ka bang nababalitaan na hindi magandang pangyayari…dito sa Stallion Riding Club?  Wala bang nagkukuwento sa iyo?” “Wala naman.  Bakit?  May kailangan ba akong malaman?” “Ha?  E…”  Paanong nangyaring walang nagsasabi rito ng mga naganap kagabi sa bar?   Napadako na naman ang mga mata niya sa nagkalat na wedding magazines sa kama nito.  She put her hand on the pocket of her jacket and clutched the coin in her hand.   Kung ganon ay pinaghahandaan na rin pala ni Erica ang kasal nila ni Icen?  At ang paghahanda nito ngayon para sa date nila mamayang gabi ay dahil siguro alam na rin nito ang napipintong marriage proposal ni Icen dito. She fought back the tears in her eyes.  “Wala, wala ka namang dapat na malaman talaga, eh.  You, ah…you’ll look beautiful on that dress.” “You think so?” “Yeah.”  Pesteng luha!  Tama na!  “Blue nga ang isa sa paboritong kulay ni Icen.  Gusto rin niya sa babae ‘yung matalino at…at laging maganda.  ‘Yun bang hindi mo mapagkakamalang lalaki.”  Idinaan na lang niya sa tawa ang kanyang nararamdaman, kahit napakahungkag ng kanyang pakiramdam. “Kaya ikaw, huwag kang gagaya sa mga sinusuot ko.  Huwag ka ring magpapaiksi ng buhok.  He loved touching a woman’s long and soft hair.  Gusto niya ‘yung babae ay laging mukhang babae.  At higit sa lahat, always make him laugh and smile.  He’ll love that.” “Kass, why are you…?” “Ah, well.”  Malakas siyang tumikhim upang tanggalin ang tila bara sa kanyang lalamunan.  “Iyon lang muna sa ngayon.  Kapag may gusto ka pang malaman tungkol kay Icen, huwag mo na akong tawagan.  Ikaw na lang mismo sa sarili mo ang tumuklas ng lahat ng iyon.  Mas gusto niyang kilalanin siya ng babae ng personal.  Ah, ‘yun lang.  Goodluck on your date tonight.  Make him happy for me, okay?” Paglabas na paglabas niya ng suite nito ay malakas niyang pinalis ang namumuo na namang luha sa kanyang mga mata.   “Next up, Stallion Ridnig Club boys.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD