NAGISING SI Kass na tila binibiyak ang kanyang ulo at tila hinahalukay ng sampung demonyo ang kanyang sikmura. She sat up from her bed only to find out that everything around her was spinning.
Sinapo niya ang kumikirot na ulo. “Ah…!”
“That’s what you get from drowning yourself with alcohol.”
Nakita niyang nakatayo sa may pintuan ng silid niya si Icen. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa hamba ng pinto.
“Naglasing ba ako kagabi?”
“Yeah, gusto mo ng ebidensya? Gusto mong mapanood? Nandiyan sa tabi mo ang tape galing sa surveillance camera ng bar.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Ahh…my head really hurts!”
“Kumain ka na muna bago ka uminom ng gamot.” Inilapag nito ang pagkain sa nightstand table at naupo sa gilid ng kama.
Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama saka hinayaan itong subuan siya ng mainit-init pang sopas. Hindi man naibsan ang kirot ng kanyang ulo ay umayos-ayos naman ang pakiramdam ng tiyan niya nang gumuhit ang init ng sabaw sa kanyang tiyan. Doon lang din niya napansin na tila may iba sa aura ni Icen nang umagang iyon. He wasn’t looking in her eyes anymore. Hindi katulad dati na parang past time na nito ang pagmasdan ang kanyang mukha. Hindi na rin ito gaanong palakibo. Nabuwisit yata ito sa ginawa niyang paglalasing.
“Icen—“
“Saka na tayo mag-usap kapag maayos na ang lagay mo. Sa ngayon, kailangan mong kumain, uminom ng gamot at magpahinga nang husto. Ayokong may masabi ang Daddy mo kapag nalaman niya ang nangyari sa iyo habang nasa poder kita.”
“Sorry…”
Patuloy lang ito sa tahimik na pagsubo sa kanya hanggang sa umayaw na siya. Hindi na rin niya gaanong pinansin pa ang pagbabago nito dahil masyadong masakit ang kanyang ulo. Matapos makainom ng gamot ay natulog na lang uli siya. Madilim na sa labas ng nakabukas niyang bintana nang magising siya. Hindi masakit ang kanyang ulo ngunit mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Patayo na siya ng kanyang kama nang maramdaman ang pagbukas ng pinto ng silid niya. Hindi na niya kailangang manghula kung sino iyon dahil dalawa lang naman sila ni Icen sa bahay nito.
She pretended to still be sleeping. Naramdaman niya ang paglundo ng gilid ng kama, paharap sa kanya. Pagkatapos ay ang marahang paghaplos kamay nito sa kanyang noo.
“I’m sorry too, Kass…”
She felt the feathery touches reached her cheeks. Pakiramdam niya ay tila hinahaplos din niyon ang kanyang puso.
You’re sorry for what, Icen?
Ilang sandali pa niyang naramdaman ang haplos nito sa kanyang mga pisngi. Until it disappeared and replaced by a much warmer and much softer touch on her lips. Napadilat siya at muntik na siyang mapasinghap nang makitang halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Lalo na ang kanilang mga labi!
Icen was kissing her!
Naramdaman yata nito ang paggising niya kaya agad nitong pinutol ang halik at lumayo.
“Sorry,” paumanhin nito. “Did I wake you?”
“Ah…”
“Magpahinga ka pa. Pasensiya na, hindi na kita iistorbohin uli.” He stood up and walked towards the door without looking back. “Goodnight, Kassandra.”
“Icen—“
“Bukas na lang tayo mag-usap.”
Hindi na niya ito pinigilan pa dahil masyado rin siyang nagulat sa namulatan kanina. Naupo siya at idinampi ang kanyang mga daliri sa labi niya. Talagang hinalikan siya nito! Hindi iyon isang panaginip lang o halusinasyon dahil kagigising lang niya sa napakahaba niyang tulog. She was fully awake and was fully aware of it.
Sinapo niya ang dibdib niyang napakalakas ng pagkabog. Ano ang ibig sabihin ng halik na iyon? At ano ang inihihingi nito ng paumanhin sa kanya bago siya nito halikan? Nauhaw siyang bigla kaya inabot niya ang baso ng tubig sa nightstand. Doon niya napansin ang itim na video tape. Dinampot niya iyon at ininspeksyon. Nang magising siya kanina kaninang umaga ng may hang-over, sinabi nitong kung gusto niyang malaman ang nangyari sa kanya noong nagdaang gabi ay panoorin niya ang video na iyon.
“Hindi kaya s*x scandal ito?”
Hindi naman siguro. Nasa loob siya ng Stallion Riding Club. Walang anomang mangyayaring masama sa kanya. Unless…
Curiosity took over. Isinalang niya ang tape sa player at hinintay na mag-play iyon. Hindi naman siya nainip dahil ilang sandali pa, nakita na niya ang laman ng naturang tape. Kung hindi siya nagkakamali, it was a surveillance camera from the bar where she went last night to get drunk. And there she was, alone, depressed and she looked so broken. Nakita pa niya ang paminsan-minsan niyang pasimpleng pagpupunas ng kanyang mga luha habang walang tigil din ang paglaklak niya ng alak. Dahil hindi naman talaga siya sanay uminom, ilang minuto lang ang lumipas ay lasing na siya.
And then Icen’s familiar figure came into the picture.
“Kassandra, lasing ka na.”
“Tekah, kilala kita, ah. Di ba ikaw shi…shi…ah! Daboi…may litol big boiiii…”
Kahit siya ay parang gustong tawanan ang sarili dahil sa mga pinagsasasabi niya. Mukha siyang tanga. Pero wala pala siyang dapat na ikatuwa dahil ang mga sumunod niyang narinig ay tila nagpalaki ng ulo niya.
She was confessing to him! She was confessing her feelings to Icen himself! And the other customers were turning to them because she was so loud.
“I didn’t mean to love him. I didn’t mean to love you, Icen. I’m sorry…”
Daig pa niya ang nakapanood ng sarili niyang s*x scandal. O mas mabuti pa ang s*x scandal, puwedeng itanggi na hindi ikaw ang nasa video. Pero ang surveillance camera na iyon, pati na ang taong kaharap niya habang nagtatapat siya ng marubdob niyang pagmamahal sa lalaking lihim niyang minahal…DInampot niya ang unan at isinalpak iyon sa kanyang mukha saka malakas na sumigaw. The pillow muffled her scream, kaya wala pa ring nakakaalam na malapit na siyang mabaliw doon.
“Icen, you’re such a jerk. Paano mong nagawa iyan sa kanya? She loves you so much!”
“Ganyan talaga ang mga lalaking walang ‘B’, Sierra. As in walang ano…buto. Alam mo ‘yun?”
“Sinong lalaki ang magdadala ng fiancee niya sa isang lugar para ipakilala sa babaeng pakakasalan niya? Oh, help me God! Ayokong makapatay!”
“Quincy, tuluyan mo na iyan. Naku, nanggigigil talaga ako sa mga walanghiyang lalaking tulad mo, Icen!”
“Ang kapal naman ng mukha mo, Icen. How could you hurt her? Wala ka ba talagang puso? Akala ko pa naman, matitino ang mga members dito. ‘Yun pala…”
Iyon ang salitang komento ng mga babaeng customer ng bar habang walang imik siyang inaasikaso ni Icen.
“Alam kong may pagkamanhid ang mga lalaki dito sa Stallion Riding Club. But you’re the worst, Icen.”
Ang sumunod ay ang boses naman ng mga lalaki ang maririnig mula sa tape.
“Tama na iyan. Huwag ninyo naman masyadong kondenahin si Icen.”
“Malay ba niyang may nararamdaman sa kanya si Kassandra.”
“Its not entirely his fault.”
Hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na naging takbo ng usapan dahil pinatay na niya ang player. Manhid na ang buong katawan niya. At ang tanging nagpapaulit-ulit sa isipan niya ay ang isang katotohanang hindi na mababago pa.
She confessed to him, in front of other people!
Isinubsob uli niya ang kanyang mukha sa kama at sumigaw. Ano na ang gagawin niya? Kaya siguro nagbago ng pakikitungo sa kanya ang binata. Iginisa ito ng mga babae sa Stallion Riding Club sa kasalanang hindi naman nito alam. At siya, siya ang dahilan ng lahat ng iyon! Ito na nga na ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang malaman nito hanggat maaari ang damdamin niya para rito. Magugulo lang ang lahat.
Then why did he kiss me?
Natigilan siya. Oo nga, why did he kiss her? Para saan ang halik na iyon?
Nagulat siya nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid at bumukas iyon. Pumasok si Icen at ibinigay sa kanya ang cordless phone.
“Your father’s calling.”
Napakalakas ng t***k ng kanyang puso hindi lang dahil sa mahal pa rin talaga niya ito kundi dahil na rin sa kahihiyang inabot niya sa mga napanood na iyon.
“Salamat.”
Tumango lang ito at wala ng imik pang lumabas. Napabuntunghininga na lang siya. Ano na ang gagawin niya? Nkakahiya talaga ang nangyari!
“Hello?”
“Kass, my baby! Kumusta na ang honeymoon ninyo ng manugang kong hilaw? Success ba?”
Heto pa ang isang sakit ng ulo. “Okay naman ho. Hayun, masaya. Ang daming pangyayari.”
“Pangyayari saan?”
“Sa bar.”
“You did it in a bar? Carlos! Narinig mo ba iyon? They did it in a bar!”
“Daddy, its not what you’re thinking.”
“Its not? Oh, well. At least you’re safe. So may napili na ba kayong date for the wedding? Kumpleto na ang lahat ng preparations namin ng Tito Carlos mo. Kayo na lang ang hinihintay namin.”
“Daddy, don’t you think its still a little early for me to get married?”
“Well, ah…not really, baby. Pero kung ayaw mo pa…we could always moves the date.”
Ang g**o-g**o na ng nangyari. Sumasakit na naman tuloy ang ulo niya. “Daddy, tatawagan ko na lang kayo bukas. May aasikasuhin lang ako ngayon.”
“May problema ba?”
“Wala naman, ‘Dy. Basta I’ll call you up later, okay? Regards to Tito Carlos na lang. Ingat kayo riyan.”
“Kayo din. Call us kung may problema, ha?”
“Yes, Dad. Bye.”
Matapos patayin ang telepono ay ibinagsak niya ang katawan sa kama at hinayaang lunurin ang isip niya ng mga nangyaring kaguluhan sa loob lamang ng ilang oras.
Si Icen.
Si Erica.
Ang kanilang mga ama.
Ang mga Stallion Riding Club members.
Siya.
Lima. Ang dami! Ano na ang gagawin niya para maayos lahat iyon? Saan siya magsisimula? Kanino siya hihingi ng tulong? Nag-iisa siya sa lugar na ang tanging nais niyang kapitan ay galit pa sa kanya. Pinalis niya ang luha sa kanyang mata na nag-uumpisa na namang pumatak.
Ah, peste! Tama ng iyak ‘to! Walang mangyayari kung iiyak na lang ako ng iiyak maghapon.
She had to do something. Kahit na nga alam niyang walang magandang kalalabasan ang gagawin niya. Nangyari na ang nangyari. Maaring hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat, pero at least man lang, magkaroon ng linaw ang kaguluhang iyon. At walagn ibagn makakagawa niyon kundi siya lang. Dahil kasalanan niya ang lahat.