CHAPTER 4

948 Words
“SO THIS IS the famous Stallion Riding Club,” sambit ni Kass habang nakasilip sa bintana ng kotse.  “Hindi naman pala kagandahan.” “Kapag narinig ka ni Reid na sinabi mo iyan, siguradong ibabalot ka nun sa sako at ipapahila sa mga kabayo niya paikot ng SRC.” “Sasagasaan ko naman siya ng superbike ko.”  Nilingon niya si Ice na kasalukuyang nagmamaneho na papasok ng club proper.  “Oo nga pala, nabanggit mo noon na nandito sina Jigger at Trigger Samaniego.  Hah!  I can’t wait to see those hyper twins.  Ilang taon na rin ang nakakalipas mula nang maging schoolmate ko sila sa college.  Nagbago na kaya ang dalawang kutong lupang iyon?” “Nope.  Hanggang ngayon, kuto pa rin sila.  Salot sa lovelife ng mga nananahimik na miyembro ng club.”  Napailing na lang ito.  “Lalagnatin ang kambal na iyon kapag tumino sila.” “Hmm, so they’re still messing up everyone’s lovelife, huh.”  She turned off the airconditioning unit of the car and opened the window and let the cold air blew against her face and short hair.  “But this feels nice…” At dito rin ang lugar kung saan magpo-propose ng kasal si Ice… Umayos siya ng upo.  “Ice, saan kayo nagkakilala ni Erica?  What was she like?” “Oh.  She’s the kindest, gentlest person I’ve ever met.  She’s funny, smart…” tila nililipad kung saan ang isip nito at may kakaibang ngiti sa mga labi nito.  “And she’s the most beautiful woman I know, inside and out.” “Ah.  So, para pala siyang bituka ng manok kung ganon.” “What?” Inilabas niya sa bintana ang kanyang kamay upang manghablot ng mga dahon ng halaman at puno na nadadaanan nila sa gilid ng kalsadang iyon.  “Bituka ng manok.  Kasi alam mo, kapag nililinis ang isaw e ‘yung labas muna tapos babaliktarin nila iyon para ‘yung loob naman ang malinis nila.  Pagkatapos ay pakukuluan nila iyon bago ihawin—“ “Kass, ano ba naman iyang pinagsasasabi mo?  I’m talking about Erica here and you’re discussing about a chicken’s intestines!” “Oy, paborito ko ang isaw, ‘no?  Kaya huwag mong lalaitin iyon.” “Ewan ko sa iyo.  If you don’t want to talk about Erica, you don’t have to pretend you’re interested to know about her.” Binato niya ito ng nakulimbat na mga dahon sa gilid ng kalsada.  “Of course I’m interested to know her.  Iyon naman ang dahilan kung bakit mo ako dinala dito, hindi ba?  Ang kilalanin siya.  Kaya ngayon ay alam ko ng maganda siya, matalino, at kasing bait siya ng bituka ng manok, inside and out.” “Kass, you’re really grossing me out sometimes.” “That’s just one of my charms,” pagpapa-cute pa niya.  Napansin niya ang  tatlong kabayong nagkakarera sa malawak na lupain na iyon.  “Aba, may mga tao pala rito.  Akala ko puro mga puno, halaman at ligaw na kaluluwa lang ang naninirahan dito.” “Wala pa kasi tayo sa club proper kaya wala ka pa gaanong nakikitang tao.” “Nabanggit mo sa akin ang tungkol sa Stallion Riding Club two years ago.  Kailan ka pa naging member dito?” “About three and a half years now.  Nagdaos ng convention ang kumpanya rito at nakausap ko ang ilang club members.  I thought it was good back then since I myself love horses.  Kaya nagpa-member na rin ako.” “So it was love at first sight.  Yuck!” “You could say that.  Pero wala akong pinagsisihan dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin pinagsasawaan ang lugar na ito.” “Na ngayon mo lang naisipang ipakita sa akin.  Kung kailan malapit ka ng ikasal.  Mas inuna mo pa ang girlfriend mo kaysa sa fiancee mo.”  Napalingon ito sa kanya.  Ngumisi lang siya.  “Joke lang.  So this Erica girl, member din ba siya ng club ninyo since dito pa tayo nagpunta para lang ipakilala mo siya sa akin?” Ilang sandali muna ang lumipas bago ito sumagot.  “Only guys are accepted as members.  As for Erica, dito kami nagkakilala nang minsang magdaos din ng conference ang kumpanya nila rito.  She’s here now coz they had another week-long conference going on here again.  Gusto kong bago siya umalis dito ay nakilala mo na siya at nakapag-propose na ako sa kanya.” “I see.  Well, goodluck sa ating dalawa.”  She looked out the window again and watched the beautiful scenery around them.  “Perfect nga ang lugar na ito para sa isang marriage proposal.”  Napabuntunghininga na lang siya.  Mabigat ang pakiramdam niya na tila ba lalagnatin siya.  But she knew better.  “Ice, wala bang kainan dito?  Nagugutom na ako.” “Kailan ka ba nabusog?  Hayaan mo munang mag-burn out ang mga sekretong fats sa katawan mo.  Pagdating natin sa Clubhouse, marami ng restaurants doon.” “Wala akong fats, ‘no.  Kaya bilisan mo na ang pagmamaneho at nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.” “On second thought, dapat siguro ihulog na lang kita sa bangin dito.” “Bakit ba ang hilig mong i-wish na saktan ako?  Tsk!  You really hate me that much?” “Hate you?  Ano ka ba?  Biro lang iyon.  I don’t hate you.” “Talaga?  Sige nga, kiss mo ako.” “Okay, I hate you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD