“HI, JIGGER! Girlfriend mo siya?”
Napatingin na lang si Kass sa babaeng lumapit sa table nila ni Trigger. “Nope. She’s just an old friend of mine.”
“Ah. I’m Bham, by the way. Pasensiya na sa pang-iistorbo ko, ha? Kanina pa kasi kita tinitingnan and I just found you really cute today. Can I kiss you? Sa cheek lang, promise.”
“I have a better idea.” Tumayo si Trigger at inakbayan ang babae saka ito dinampian ng halik sa pisngi. “Okay na?”
Akala niya ay hihimatayin ang babae dahil napansin niyang namula nang husto ang mukha nito. Pagkatapos ay tila ito sinapian nang walang imik itong tumango at naglakad palayo.
“She called you Jigger,” wika niya pag-upo uli nito. “Bakit hindi mo sinabing ikaw si Trigger?”
“She might get offended. Isa pa, baka hindi na siya magpahalik. Mukhang admirer pa naman siya ni Jigger.”
“So, okay lang sa inyo na hindi kayo ma-distinguished sa isa’t isa, just as long as it will benefit both of you?”
“Yeah. Although…mas masaya sana kung maririnig kong tatatawagin ako sa totoo kong pangalan.” Sumandal ito sa kinauupuan at may kung sinong kinawayan. “Icen.”
Dumagundong ang t***k ng puso niya nang marinig ang pangalan ni Icen. Anak ng patis! Akala pa naman niya ay nasanay na siya sa damdamin niyang iyon para sa binata pero hindi pa pala. Her heart still beats fast for him everytime. Humila ito ng bakanteng silya sa kabilang table at pumuwesto sa tabi niya.
“Akala ko ba kanselado na ang date ninyo kagabi, Jigger?” tanong nito.
“Sino naman ang nagsabi sa iyong si Jigger lang ang nagyaya ng date kay Kassandra? Oo nga pala, kumusta ang biyahe ninyo ni Erica?”
“Okay naman.” Binalingan siya nito. “Bakit um-oo ka sa kanilang dalawa? Magkamukha naman sila kaya puwede ng kahit isa na lang sa kanila ang maka-date mo.”
“Nagyaya silang pareho, eh. Wala naman akong ginagawa kaya okay lang sa akin iyon.”
“Kahit na. Sira ulo ang dalawang iyan. Hindi mo dapat sila nilalapitan.”
“Oy, slander na iyan,” singit ni Trigger. “Isa pa, bakit ba pinipigilan mong makipag-date sa iba si Kassandra? Hindi ka naman niya kamag-anak at mas lalong hindi ka niya kasintahan.”
“Ibinilin siya sa akin ng Daddy niya. Protektahan ko raw siya sa mga taong gaya ninyo ni Jigger.”
“Wala naman akong gagawing masama sa kanya. Kaya puwede mo na siyang iwan sa akin ngayon. Don’t worry, ibabalik ko siya sa bahay mo pagkatapos ng date naming ito.”
“No. She’s coming with me. Now.” Hinawakan na siya nito sa kanyang kamay at hinila patayo. “Let’s go, Kass.”
Nilingon niya si Trigger at tahimik na humingi ng paumanhin dito. Pasensiya na, Trigger. Sandaling panahon ko na lang kasi masosolo si Ice kaya kailangang sulitin ko ang lahat ng pagkakataon.
Ngunit paglabas na paglabas nila ng restaurant ay agad siya nitong bintiwan. Nagtataka siya dahil huminto na rin ito sa paglalakad. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya malaman kung ano ang maaaring iniisip nito.
“Oy, Icen, alam mo bang ito ang pangalawang beses na ipinagkait mo sa akin ang pagkain?” Tumingala siya sa bunga ng puno ng niya na katabi niya. “Ang bilis mong nakabalik galing Maynila, ah.”
“Si Ashly na ang pinahatid ko kay Erica gamit ang chopper ng club.” Hinarap na siya nito. “What were you thinking going out with those twins? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?”
“Oo naman. Matanda na ako, Icen. Natural alam ko na iyon. At tsaka, ano ba ang masama sa pakikipag-date ko sa kanilang dalawa? Date lang naman iyon.”
“Because!” Nag-isip pa yata ito ng isasagot dahil saglit itong natigilan. “Basta. Hindi ka dapat dumidikit sa kanila. They’re trouble. Ayokong madamay ka sa kalokohan nila.”
“E, kung hindi ako didikit sa kanila, sino ang kakausapin ko rito? Ikaw at sila lang naman ang kakilala ko. Tapos, lagi ka pang andun sa girlfriend mo. Alangan namang bumuntot pa rin ako sa iyo kapag lumalabas kayong dalawa. Wala akong balak magmukhang chaperon, ‘no? Hindi iyon bagay sa image ko.” Ipinasok niya sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang kamay at kinapa roon ang kanyang lucky coin. “I think you should stop protecting me, Icen. Masanay ka na dahil hindi magtatagal, isa sa mga araw na ito e si Erica na ang poprotektahan mo. The moment you propose to her, putulin mo na rin ang pagkakatali mo sa pangakong binitiwan mo sa mga tatay natin. Anyway, I can take care of myself on my own. You don’t have to worry about me anymore. Kaya ko na’ng buto ko.”
Nanatili lang itong nakamasid sa kanya. Nginitian lang niya ito ngunit ibinaling na niya ang kanyang atensyon sa mga bukong iyon. Hindi na kasi niya matagalan ang pagkakatitig nito sa kanya. Baka kung ano na ang mabasa nito sa kanyang mga mata at masira pa ang tahimik nitong buhay.
“I’m sorry.”
“Huh?” baling niya rito. “Sorry for what?”
“I’ve been neglecting you.”
“Neglecting?”
Hinawi nito ang buhok sa pamamagitan ng mga daliri nito. “Ako ang nagdala sa iyo rito pero sa tuwing nariyan si Erica, lagi na lang kitang iniiwan.”
“Okay lang iyon. Siya naman talaga ang girlfriend mo kaya dapat lang na siya ang asikasuhin mo.”
“No. Mali iyon.” He gave out a frustrated sigh. “Hangga’t hindi ako nakakapag-propose kay Erica, may commitment pa rin ako sa iyo. So as of this moment, fiancee pa rin kita.”
“Naman, Ice. You’re going to have a new fiancee by next week. Ang dapat mong gawin ngayon ay sanayin ang sarili mong hindi ako ang fiancee mo.” Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at ipinakita dito ang kanyang mga daliri. “See? I don’t even have a ring. Kaya kalimutan mo ng may obligasyon ka sa akin.”
“No.”
“Hay naku, bakit ba ang hirap mong kausap ngayon?”
“I want to make it up to you, Kass.”
Malakas siyang tumawa. “I’m still not going to have s*x with you, ‘no! Hello! Hu-hu!”
Dinutdot tuloy siya nito sa kanyang noo. “Silly. I’m not talking about sex.”
“Ano ba?” Hinimas-himas niya ang kanyang noo. “Sa totoo lang nawi-weird-uhan ako sa iyo ngayon, Ice. Kinuha mo ako kay Trigger at pinagalitan mo pa ako dahil nakipag-date ako sa kanya. Tapos ngayon, kung ano-ano ang sinasabi mo na aakalain ng sinomang makakarinig na ang bait-bait mo.”
“Mabait naman talaga ako. Tsaka puwede bang huwag ka ng dumaldal? Pumayag ka na lang.”
“Pumayag saan?”
“Let’s spend time together, Kass. Matagal-tagal din tayong hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-bonding dahil pareho tayong busy. Ngayon sana, kahit bago man lang tayo maghiwalay ng landas ay magkaroon tayo ng pagkakataong magkakilanlan uli. For old times’ sake.”
Bago tuluyang maghiwalay ng landas…Kakaibang kirot sa puso ang hatid niyon sa kanya. He was saying goodbye to her, slowly. Holding the pain inside her heart, she just smiled and nodded at him.
“Hai!”
Ngumiti lang din ito. “So, what do you want to do now? Where do you want to go?”
“Kahit saan siguro. Ikaw na ang bahala since hindi ko naman kabisado ang mga magagandang lugar dito.”
“Gusto mong mag-horseback riding?”
“Hindi ako marunong mangabayo, eh. Hanggang superbike lang ang kaya kong patakbuhin.”
“Okay, hindi bale. Let’s go.” He took her hand and led the way. “Puwede naman tayong maglakad-lakad na lang dito. There’s still a lot of things to see around here.”
“Talagang kailangang may holding hands?” pabiro niyang tanong.
“Baka kasi ma-nuno ka. Mabuti na ang sigurado.”
“Uso pa ba iyon?”
“Dito, oo.”
Hindi na siya nagreklamo at hinayaan na lang niya ang sariling mag-enjoy sa magandang pakiramdam na iyon habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
Yeah, let’s just enjoy this while it lasts.