CHAPTER 8

967 Words
NAGLALAKAD-LAKAD SI Kass sa paligid ng Stallion Riding Club para malibang.  Umalis kasi si Ice dahil inihatid nito sa Maynila si Erica.  Balak sana niyang matulog na lang maghapon para hindi na siya mag-iisip ng kung ano-ano dahil nalulungkot lang siya.  Pero masyado na siyang napurga sa tulog kahapon at ngayon ay tumatanggi na ang katawan niyang matulog uli.  Isa pa, maganda naman ang buong riding club at sayang kung hihilata lang siya maghapon.  Maraming puwedeng makita sa lugar na iyon.  Tulad na lamang ng nakikita niya ngayon.   Dalawang lalaki ang kasalukuyang nagsusuntukan di kalayuan.  Parehong naka-uniporme ang mga ito kaya siguradong club members ang mga ito.  naupo siya sa isa sa mga benches doon at pinanood ang mga ito. “How do you find our little show so far?” Isang lalaki ang naupo sa kanyang tabi.  He was taking off his black leather gloves as he watched the happenings in front of them.  He was also wearing the ridig club’s uniform so he must be one of them. “Masaya naman, hindi ba?” tanong pa nito at nakangiting lumingon sa kanya.  Inilahad nito ang kamay.  “Hi, I’m Ricos.” “Kassandra.”  Inabot niya ang kamay nito nang may sumulpot na namang isa pang lalaki sa tabi nila.   “I’m Johann.”  Naupo ito sa kabilang panig niya.  “Nice to meet you, Miss…?” “Kassandra.”  Tinanggap din niya ang kamay nito.  “Hi.” “Huwag mo na lang pansinin ang isang iyan,” tukoy ni Ricos kay Johann.  “Pati na rin sina Angelo at Ian Jack.  Problemado lang sa puso ang mga iyan.”   Itinuro nito ang mga nag-aaway na ngayon ay pareho na yatang napagod dahil hinihingal na ang mga ito nang pumasok sa establishment sa harap ng mga ito na may pangalang Clinic.   “Hmm, pareho lang pala kami kung ganon,” sambit niya.  “Problemado sa puso.” Napatingin sa kanya ang mga ito.  Napakamot ng ulo si Ricos.  Napangiti naman si Johann. “Late na pala kami,” wika ng huli.  “Sayang.” “Pero puwede mo pa namang hiwalayan ang boyfriend mo,” halatang nagbibiro lang si Ricos.  “Pinababayaan ka naman niyang mag-isa rito.  Sa akin ka na lang.  Mas bagay tayo.” “Paano tayo naging bagay?” “Maganda ka, guwapo ako.” “Guwapo rin ako,” singit ni Johann.  “Hindi pa committed.  Kaya mas bagay kami ni Kassandra.” “Committed ka diyan.” “Oo.  Hindi ba’t kayo na ni Genil?” “Sino iyon?” “Ayun, o.  ‘Yung kapapasok lang ng clinic.  Puntahan mo na.” “Tao ba iyon?” Kahit siya ay natawa sa huling tanong nito.  Nakikita niyang may pagkapabling si Ricos pero kapag ang babaeng tinutukoy ni Johann ang pinag-uusapan, parang nagmumukhang allergic ito sa babae.   “Huwag na nating pag-usapan ang mga hindi tao.  Kass, sino sa mga Stallion boys ang boyfriend mo?  Dapat ay ipinapakilala ka na niya sa amin nang pormal at nang hindi ka na nilalapitan ng ibang members.  g**o kasi iyon kapag nagkataon.” “Oo nga,” segunda ni Johann.  “Malilintikan na naman tayo nito kay Reid.  Galit pa naman iyon sa g**o at mga nanggugulo.” “Ipapakilala ng pormal?” tanong niya.  “Anong ibig ninyong sabihin?” “Well, obviously, karamihan sa Stallion Riding Club members ay single,” paliwanag ni Ricos.  “Minsan available, minsan hindi.  Pero kapag nagkaroon ng official girlfriend ang isa sa amin, kailangang iyon ipakilala sa ibang members once na dinala na niya iyon dito sa club.  Para nga naman hindi na lapitan pa ng mga gaya naming guwapo, mabait at mayaman.” Namuo ang kalungkutan sa kanyang puso sa narinig.  Kahit kailan kasi, hinding-hindi siya mako-commit sa pangalan ni Icen.  Bata pa lang sila ay engagaed na sila ng binata.  Pero base sa narinig niya mula sa dalawang ito, ni minsan ay walang binanggit si Icen sa mga kasamahan nito roon tungkol sa kanya.  At ilang araw na lang mula ngayon, once na nag-propose ng kasal si Ice kay Erica, tuluyan na siyang mabubura sa buhay nito.  Oh, well.  Alam na naman niya iyan, hindi ba?  Dapat ay hindi na siya nalulungkot ng ganito.   Kaya lang kasi… “No, I’m not committe—“ “Oy, ano iyan?  Bawal iyan, ah.”  Ang isa sa kambal ang nalingunan niyang nagsalita.  “Kayong dalawa, kapag nakita kayo ni Icen na kausap si Kassandra, ngipin nyo lang ang walang latay.” “Icen?” “Your boyfriend’s Icen Villazanta?  But I just saw him with another girl—aw!” Inupakan ni Trigger sa balikat si Ricos.  “Let’s go, Kass.  May date pa tayo, hindi ba?” “Teka lang, ‘tol,” si Johann uli.  “Kass, if you’re Icen’s girl, don’t leave his side.” “And don’t go with any of the twins.  Dahil lalong malilintikan ang lovelife mo.” “Inggit lang kayo,” ang tanging sinabi ni Trigger.  “Ricos, puntahan mo na si Genil sa clinic.  Johann, why don’t you go with your precious Frida Mae?”  Nagkibit balikat lang ang dalawa nang ilayo na siya roon ni Trigger.  “I’m gonna ask you again, Kass.  Are you inlove with Icen?” “What difference does it make?  He’s going to propose to Erica anytime soon.  Matatapos na rin sa wakas ang paghihirap niya sa akin.” “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.” “No.” “Nagseselos ka kay Erica?” “No.” “Okay.  Where do you want to eat?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD