CHAPTER 7

1228 Words
NAGISING SI Kass ng napakakumportable ng pakiramdam.  Kaya pala dahil maayos na nakabalot sa kanya ang makapal na kumot na iyon.  Napangiti siya.  Magulo kasi siyang matulog kaya siguradong inayos ni Ice ang kanyang kumot para hindi siya lamigin.   Sinulyapan niya ang relong pambisig.  Mag-a-ala singko na pala ng hapon.  Masyado na pala siyang napasarap ng tulog.  Muli niyang ibinalot ang sarili sa kumportableng init ng kumot at sinamyo ang pamilyar na bango ng nagmamay-ari niyon.  Nang bumukas ang pinto ng kuwarto at sumilip ang guwapong mukha ni Ice. “Gising ka na pala.  May miryenda sa ibaba.  Kung gusto mong kumain, puntahan mo na lang ako sa kusina.” “Okay.” Saglit siya nitong pinagmasdan.  “Dumaan dito kanina si Jigger.  May usapan ba kayo?” “A, oo.  Niyaya niya akong makipag-date mamaya.” “And you said yes?” kunot-noo nitong tanong. “Wala naman akong ibang gagawin, eh.  Kaya pumayag na ako.  May problema ba?” “Wala.”  Iyon lang at umalis na ito. Nagkibit balikat na lang siya.  Mukhang bad mood na naman ito, ah.  Pinagsusungitan na naman kasi siya.  Oh, well, sanay na naman siya sa mood swings nito.  She even found it cute sometimes.  Hay, ganito na yata talaga ang mga nagmamahal.  Pati ang kapraningan ng taong mahal mo, cute pa rin para sa iyo.  Hindi pa niya feel bumangon kaya muli siyang namaluktot at natulog.  And it was already past nine in the evening when she woke up again.  Naabutan niyang nanonood ng telebisyon sa sala si Icen pagbaba niya. “Bakit hindi mo man lang ako ginising?” reklamo niya nang maupo sa tabi nito.  “Alam mo na ngang may usapan kami ni Jigger ngayon.  Nakakahiya roon sa tao.” “Hindi na talaga kita ginising dahil sarap na sarap ka sa pagtulog,” sagot nito nang hindi siya nililingon.  “Don’t worry, tinawagan ko na si Jigger at sinabi kong hindi na matutuloy ang date ninyo.” Itinaas niya ang kanyang mga binti sa sofa at naghikab saka nakinood ng balita sa telebisyon.  “Bukas ko na lang siguro kakausapin si Jigger.” “He wouldn’t be here tomorrow.  May aasikasuhin yata siyang negosyo sa Maynila.” “Ganon ba?  Tatawagan ko na lang siguro siya.  May number—“ “Wala.” Suminghot-singhot lang siya.  “Hindi na nga bale.  Grabe, ang lamig pala rito kapag ganitong oras.” “Mag-jacket ka.” “Tinatamad akong maglakad papuntang guestroom, eh.”  Pinagkiskis niya ang kanyang mga palad.  “Puwede na siguro ito.  Mamaya na lang ako magdya-jacket.” “Hay.  Masyado ka talagang tamad kahit kailan.”  Hinila siya nito.  “Halika nga rito.” Bago pa siya makapag-react ay nakahilig na siya sa malapad nitong dibdib.  Ang isang braso nitong nakaakbay sa kanya ang nagbibigay sa kanya ng kumportableng init na iyon, gaya ng hatid ng init ng kumot nito.  She felt so fine and treasured being in his arms like this.  Iniisip tuloy niyang hindi na umalis sa tabi nito.   She snuggled closer to him.  He pulled her to him even more.  Lihim na umawit ang kanyang puso.  Pagkatapos ng napakaraming taon, ang musmos niyang pusong natutong magmahal ay hindi pa rin nagbabago.  Iisang tao pa rin ang itinatangi nito. “Ilipat mo nga sa ibang channel iyan, Ice.  Napapagod lang akong panoorin ang problema ng mundo.” “Anong channel ang gusto mo?” “Animax.” “Para kang bata.” “Sige, Hero na lang.” “Ganon pa rin iyon.” “NHK na lang.” “Naiintindihan mo ba ang salita ng mga Hapon?” “Hindi.  Pero cute naman sila kaya okay lang.  Panoorin mo na lang ang mga mukha nila.” “Hindi ko type ang mga Hapon.” “Good.  Akin na lang silang lahat kung ganon.”   Naramdaman niyang pinisil nito ang kanyang pisngi.  “Nagpapa-cute ka na naman, ‘Ne.” “Ikaw din, Dong.”  She felt him chuckled.   She smiled secretly.  Habang napapasaya pa niya ito, habang napapangiti, kuntento na siya kahit hindi nito kailanman napansin.  Okay na sa kanya na sa bawat pagkakataon ay nakakasama niya ito at nakakausap.  Batid din niyang malapit na siyang tuluyang magpapaalam dito kaya sa ngayon, kahit iba ang nagmamay-ari ng puso nito, siguro naman ay hindi siya kukundenahin ng sinoman kung sakaling sulitin niya ang pagkakataong magkasama sila. Animax channel turned up.  “O, akala ko ba pambata iyan?  Bakit diyan mo inilapat?” “Baka kasi umiyak ka kapag hindi ka nakapanood ng paborito mong palabas.” “Ano naman ang palagay mo sa akin, bata?” “Madalas.” “Ang sama mo.  Isusumbong kita sa Daddy.” “Magsumbong ka.  Pagbuhulin ko pa kayo kung gusto mo.” Malakas niya itong hinampas sa dibdib nito.  “E, kung ikaw kaya ang pulbusin ko ngayon?” “Tagal.”  She tried pushing away from him but he didn’t let her go.  “Sorry na.  Ikaw talaga, ang hilig mong magbiro pero kapag ikaw ang biniro umaalma ka.” “Kailan ako nagbiro?”  She snuggled back into his arms.  Sa pagkakataong ito, nilakasan na niya ang kanyang loob at iniyakap na ang mga braso niya sa katawan nito.  Ah, heaven.  “Ang sarap pala ng ganito.  Bakit ba ngayon lang natin ito ginawa?” “Its your fault.  Kung saan-saang lupalop ka kasi nagsususuot.” “Hmmm, come to think of it, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na manahimik sa isang tabi.  Masarap pala…” “Bakit?  Wala ka bang kayakap sa mga lugar na pinuntahan mo?” “Competition at motor lang ang ipinunta ko sa mga lugar na tinutukoy mo.  Hindi ko na napansin kung may nagpapa-cute ba sa akin doon o gustong yumakap.” “That’s a relief.  Akala ko tinu-two time mo ako kapag nasa ibang bansa ka.” “Oy, huwag mo akong itulad sa iyo.  Hindi ako ‘mahilig’, ‘no?” “Ah.  So kaya pala nakayakap ka sa akin ngayon?” “Ikaw kaya ang nauna.” “Hindi naman kita niyakap.  Inakbayan lang kita.  Magkaiba iyon.” “Pareho lang iyon.”  Sinubukan uli niyang lumayo rito at napangiti na naman siya nang maramdaman ang pagtutol nito.  “Ikaw, Icen, ha?  Kunwari ka pang aayaw-ayaw diyan.” “Concerned lang ako sa iyo.  Tandaan mong ibinilin ka sa akin ng mga tatay natin.” Pilit niyang nilabanan ang kalungkutang namumuo sa kanyang puso.  Wala ng panahong dapat inaaksaya para malungkot.  Dapat ay lagi silang masaya ni Ice.  Kaunting sandali na nga lang ang natitira sa kanila, malulungkot pa sila.   “Ang bait mo talaga, Ice.  Masuwerte si Erica dahil meron na siyang guwapong papa, meron pa siyang instant kumot kapag nilalamig siya.” “Parang hindi ko yata gusto iyang huling sinabi mo.” “Compliment iyon.  Tanggapin mo na lang.” “Kass?” “Yep?” “Gusto mong sumama bukas para ihatid si Erica sa Maynila?” “Malaki ka na.  Kaya mo na iyon.”  At ayaw na niyang makitang naglalambingan ang mga ito.  Masasaktan lang siya.  “Ipagpi-pray na lang kita.  I’ll be there with you in spirit.” “Kass?” “Hmm?” “That’s creepy.” Tumawa lang siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD