CHAPTER 6

1243 Words
“NICE HOUSE.” “Thank you.  Pero puwede bang pumasok ka na?  Nakakapagod na kasi ang tumayo rito at titigan lang ang likod mo.”  Bahagya pang itinulak ni Icen si Kass papasok ng bahay.   Napilitan na rin siyang maglakad patungo sa malawak at maaliwalas na sala.  “So, how did it go with Erica?  Nakapag-propose ka na ba sa kanya?  Tinanggap na niya?” “Propose?  Ano ka ba?  Hindi ganon kasimple ang kalalabasan ng lahat kung magpo-propose na ako ngayon.  Teka, sinabi mong nagugutom ka na kanina.  Gusto mong kumain na?” “Tapos na ako.  Inilibre na ako nina Jigger.”  Binuksan niya ang manipis na kurtina ng bintana at napangiti nang masilayan ang magandang view ng Taal Lake.  “Mabuti na lang dahil ‘yung iba diyan, nakakita lang ng magandang babae e kinalimutan ng may kasama siyang kumakalam ang sikmura sa gutom.” “I already told you you can order anything and put it on my tab.” “Nakalimutan ko, eh.”  Naupo siya sa sofa at pinagmasdan ito sa harapan niya.  “Paano na lang pala kung hindi ko nakita sina kambal?  Siguro kinain na ng large intestines ko ang small intestines ko.” Nagpamaywang ito.  “What are you complaining about?  Mukhang nag-enjoy ka namang kasama sina Jigger at Trigger, ah.” “How did you know that?” “How else do you think?  Of course I’m watching you.” “You’re watching me?”  Natural lang na magulat siya dahil ni minsan habang nasa restaurant sila kanina ay hindi niya ito nakitang tumingin man lang sa direksyon niya.  Tapos ngayon ay malalaman niyang pinapanood din siya nito.  Shucks!  Kung ganon, nakikita rin siya nitong nakatingin sa direksyon nito?   “Ah…” “If you wanted to eat that much, dapat ay hindi ka na nagpalibre kina Jigger at um-order ka na lang ng lahat ng gusto mong kainin.  O kaya naman, dapat ay lumapit ka na lang sa akin at sinabing gusto mong kumain.  Sasamahan naman kita.” “Ows?  Paano si Erica?  Iiwan mo siya?” “Hindi ko na kailangang gawin iyon.  Puwede ka namang kumain kasabay namin.” Eksaherado siyang umismid.  “Hay naku, mabuti na lang pala talaga at nagpalibre ako kina Jigger.  Ayokong maging expectator ninyong magsing-irog, ‘no?  Baka hindi ako matunawan.  Sensitive pa naman ang mga intestines ko.” Napakamot na lang ito ng ulo.  “Ewan ko sa iyo.  Bahala ka na nga.” Ngumisi lang siya.  “Okay, you’re forgiven.” “Ewan ko pa rin sa iyo.” Naglakad na ito paakyat sa hagdan.  Sumunod siya.  “So, kelan ka magpo-propose?  Mamayang gabi?  Under the moon and the sky?  Uuy, romantic ang lolo ko!” Napaigtad pa ito nang sundutin niya ito sa tagiliran.  Huminto tuloy ito binalingan siya.   “Hindi pa ako makakapag-propose kay Erica dahil pupunta pa siya ng Maynila.  Saka na pagbalik niya.  Kaya puwede bang huwag mo na akong kikilitiin?” “Saan?  Dito?”  Akma lang niyang susundutin uli ito sa tagiliran nang mauna itong mag-react.  Natawa na lang tuloy siya.  “Hindi ko akalaing malakas pala ang kiliti mo.” “Stop it, Kassandra.” “Stop what?  Wala naman akong ginagawa sa iyo, ah.” Gumalaw ang kamay niya upang humawak sana sa hamba nang hagadan.  Pero mukhang inakala nitong mangingiliti na naman siya kaya mabilis nitong hinawakan ang braso niya at isinandal siya sa hamba.  Her body became fully aware of the sensation he was giving her.  Heto na naman sila sa ganitong sitwasyon.  Nagrarambulan ang puso at isip niya ngunit hinayaan na lang niya iyon habang patuloy na pinagmamasdan ang guwapong mukha nito.  Dahil sa unang pagkakataon, pagkatapos ng maraming taon, lumitaw at muli niyang naramdaman ang totoong damdamin niya para sa binatang naging kaaway niya, kaibigan, boyfriend, guardian, utangan, fiance, tagapagtanggol at sa huli ay ang tanging lalaking kanyang minahal.   Yes, she’s inlove with him.  She’s always been inlove with him ever since she can remember.  Pero wala siyang balak na ipaalam iyon sa kahit na kanino.  Ayaw niyang magulo ang buhay ng binata.  Tama ng sa loob ng maraming taon ay problema ang naging tingin nito sa kanya.  Ngayong nakahanap na ito ng babaeng mamahalin at magpapaligaya dito, minus ang sakit ng ulo, hinding-hindi niya hahayaang masira iyon.  Siya man ay gusto na rin itong maging masaya, kahit na nga ang kapalit niyon ay ang kalungkutan naman ng puso niya. Inilapit niya ang mukha rito at binugahan ito.  Tila naman natauhan ito at mabilis na lumayo sa kanya. “Saan ako matutulog?” simpleng tanong niya.  “Feeling ko kasi, matatagalan tayo rito kung hihintayin pa natin ang pagbabalik ng sinta mo.” Ilang sandali rin itong hindi nakasagot bago iminuwestra ang ikalawang palapag.  “May isang guest room dito.  Iyon ang gamitin mo.” “Okay.”  Nilagpasan niya ito at nauna ng hinanap ang magiging silid niya.  “Hindi ba magagalit si Erica mo kapag nalaman niyang magkasama tayo sa iisang bahay?” “I already told her about this.  Walang problema sa kanya.” “Uy, ang bait ng lola.”  Binuksan niya ang unang silid na nakita.  The moment she breathed in that familiar masculine scent, she knew it was Icen’s room.  Pumasok siya at nakapamaywang na pinagmasdan ang paligid.  “Bah, ang ganda rito, ha?  Okay na ako rito.” “This is my room.” “Oo nga.  Okay na ako rito.” “You’ll be occupying the one next door.”  Iminuwestra nitong lumabas na siya. Ngunit imbes na lumabas ay naupo lang siya sa kama nito at tuluyang humiga.  “Dito na muna ako, puwede?  Kahit ngayon lang.  Inaantok na kasi talaga ako at hindi ko na kayang maglakad pa papuntang kabilang silid.  Maaga pa naman.  Gisingin mo na lang ako mamayang hapon kapag matutulog ka na.” She curled up to the bed when she saw him approached her.  “You can’t sleep here.” “Come on, Ice.  Fiancee mo pa rin naman ako since hindi ka pa nakakapag-propose kay Erica.  Sa dami ng babaeng dinala mo rito sa bahay mo—“ “I never brought any woman here.” “Ows?  Kahit si Erica?” “Kahit si Erica.” Damang-dama niya ang kasiyahan ng kanyang malihim na puso sa nalamang iyon.  “So…I was your first?” “Don’t flatter yourself too much.  Sabi mo nga fiancee pa rin kita kaya may special priviledge kang makatuntong sa bahay ko.  As for Erica, hindi pa lang ako nagkakaroon ng pagkakataong dalhin siya rito.  Pero pagbalik niya—“ “Fine, fine.”  Nag-inat na muna siya bago ipinasyang tumayo na.  “Hindi mo man lang ba ako bubuhatin?” “Bakit?” “Wala naman.  Feel ko lang magpabuhat.” Narinig niya itong bumuntunghininga.  Hay, kawawa ka naman, Icen.  Mamumuti na lang siguro ang buhok sa kunsumisyon sa akin.  Pasensiya ka na, ha?  Don’t worry, pagbalik ni Erica, hinding-hindi na kita bubulabugin pa.  sa ngayon, sana ay pagtiyagaan mo na lang ang paglalambing ko. “Kass.” “Hmm?” “Sige, matulog ka na muna rito kung gusto mo.  Pero ngayon lang.  Mamayang gabi, you’re sleeping on the guest room.” Malapad na ang pagkakangisi niya nang sumaludo rito.  “Sir, yes, sir!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD