Andrea’s POV Ilang minuto pa kaming nanatili ni Zandrick sa puntod ng kanyang mommy at daddy. Hindi ko inakalang sa taglay niyang personalidad ay may pagmamahal na taglay rin pala siya sa kanyang mga magulang. Kung buhay lang siguro silang lahat ay nakakasiguro akong lahat sila ngayon ay masayang nagsasama-sama. Si daddy, mmommy at ang mga magulang ni Zandrick. Ngunit sa haba ng panahon at sa iba’t-ibang pangyayaring naganap sa buhay namin ay hindi ko alam kung bakit kailangang unti-unti silang kukunin sa amin ni Zandrick. Kung pwede lang sanang pagsamahin ang mga bagay bagay na siyang magpapasaya sa amin. Kung pwede lang sana naming makamit ang kasiyahan nang walang nawawala ay sana mas may sasaya pa sa lahat ng ito ngayon. Sana mas masaya pa kami ni Zandrick na nagsasama ngayon. Pero