Zandrick’s POV Hindi ko maiwasang isipin na sa lawak ng mundo ay muli pa rin kaming napagtagpo ng tadhana. Hindi ko inakalang ang babaeng unang nakasalamuha ko noon ay siyang babaeng nasa likod ng mga ngiti ko ngayon. Ngayon ay hindi ko maiwasang maninawala sa tadhana na siyang palaging laman ng bibig ng karamihan. Sa lawak ng mundo ay kami pa rin pala sa isa’t-isa sa huli. Hindi ko inakalang sa haba ng panahon at sa sami na ng pinagdaanan namin ay pagtatagpuin pa rin pala kami ng tadhana. Ni hindi ko inaasahang sa tagal ng ng panahon ay hindi ko pa nakalimutan ang pangayayari noong araw na iyon, ang mga ngiti niya at ang boses niya. “Akala ko hindi na kita matatagpuan pang muli, Zandrick,” mahinang wika nito habang mas lalo lang humigpit ang mga yakap niya sa akin sa puntong i