Andrea’s POV Alas syete pa ako nang bumaba ako sa parking lot namin. Sa pag-aakalang madadatnan ko si Zandrick doon pero wala. Ni hindi ko namataan ni anino niya doon. Hindi na lang ako kumibo gayong alas syete pa naman. Baka hindi magtatagal ay darating rin ‘yon. Ngunit nang mag-alas syete y media na ay hindi ko na maiwasang mainip. How could he? Hindi naman siya ganito dati ah? Ni isang beses ay hindi siya naging late sa kanyang trabaho. Ilang beses akong napatingin sa akingf relos to check the time pero lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya dumating. “Zandrick!” wika ko sa aking sarili. Bakit hindi kaagad siya dumating rito? Hindi ba siya sabik na makita ako? Dahil ako ay sabik na sabik. Sabik na sabik ako tuwing umaga na makita siya. Matapos ang business outi