Chapter 21 Andrea’s POV Hindi ko maiwasang uminit dahil sa galit. Galit dahil ilang minuto na akong naghihintay dito pero ni anino ng isang Zandrick Lanston ay wala akong makita. Ilang beses na akong tumingin sa bukana nitong parking lot pero hindi ko pa rin matanaw ang kanyang presensya. “Damn that man! Nasaan na naman kayo ‘yon?” inis na wika ko sa aking sarili kasabay ang pagkuha ko sa aking cellphone upang tawagan si daddy. Sa pagbukas ng aking cellphone ay tanaw ko rin kung anong oras na. Alas singko y media nan ang gabi pero wala pa rin si Zandrick? Balak ba niyang dito na lang ako papatulugin?! “Hello, dad! Anong oras na at wala pa rin si Zandrick. Nasabi ba niya sa ‘yo na may lakad siya ngayong hapon?” inis na wika ko nang sagutin ni dad ang aking tawag.