PAST 15 YEARS… Zandrick’s POV Mabilis na dumilat ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na sigaw ni mommy sa kwarto nina dad. Dahil kakagising lang at hindi pa tuluyang bumalik ang aking sistema ay marahan ko lang na ginawa ang aking paghakbang papunta sa room nina dad. Ilang beses ko pa nang hinagod ang aking mga mata para tuluyan na akong magising. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon pero sa tagal ng tulog ko ay alam kong madaling araw na saka madilim pa rin ang buing paligid. I didn’t hear anyb noise after that scream. Parang binalot muli ng katahimikan ang buong bahay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng sigaw ni mom na iyon gayong alam kong ni isang beses ay hindi ko pa siya narinig na ganoon kalakas na sumigaw. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Hindi