Chapter 19 Zandrick’s POV “Okay na ba ang pinapagawa ko sa ‘yo?” dinig kong tanong sa akin ni dad. Nakaupo lang ako ngayon sa kanyang harapan. Hindi ko siya binalingan ng tingin sa halip ay sa monitor na nasa harapan niya lang ako nakatingin. Ilang segundo pa lang akong nakarating rito at iyon kaagad ang bungad niyang tanong sa akin. Matapos ang ilang segundong pananahimik ay inangat ko na lang ang aking paningin sa kay daddy. He’s looking at me now. Kitang-kita ko sa mga mat anito ang pagkakasabik. Sabik na malaman ang magiging sagot ko sa tanong na iyon. Hindi nagbago ang aking reaksyon. I am at his office at ang limang bodyguard lang ang nakabantay sa amin ngayon. Seryoso kong tiningnan si daddy tulad nang kung paano rin niya ako tiningnan. Hindi ko alam kung okay na ba ang pi