Andrea’s POV Labis ang lungkot na aking nararamdaman sa puntong ito. Nais kong ubusin ang aking luha sa kakaiyak at ubusin ang natitirang lakas sa aking katawan sa sobrang lungkot. Gusto kong sumigaw sa galit at manakit at nang maparamdam ko sa iba ang sakit na aking nararamdaman sa puntong ito. Hindi ako makapaniwalang wala na ang aking ama. Tanging tumatak sa aking isipan sa puntong ito ay ang kanyang imaheng nakahandusay sa sahig at wala nang buhay. Napakalupit nila! Wala silang awa! Pati ang inosente kong ama ay dinamay nila. Wala naman akong naalalang kasalanang nagawa namin sa mga taong iyon. Ni hindi ko sila kilala at hindi ko alam kung bakit at ano ang sadya nila sa buhay namin ni daddy. Na animo’y labis ang galit nila sa amin. Na naimo’y matinding kasalanan ang nagaw