Zandrick’s POV “Dad,” bungad ko kay daddy nang makapasok ako sa kanyang kwarto sa warehouse na ito. Mariin itong nakatingin sa kanyang monitor na animo’y may binabasang article doon. Umupo ako sa upuan sa kanyang harapan. Hindi siya nagsalita kaagad kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang sadya niya at kung bakit niya ako pinapapapunta rito. Alas tres na ng hapon at kakauwi lang namin ni Andrea mula sa paglilibot nitong buong warehouse. Nasa kwarto si Andrea. Alam naman niyang pupunta ako sa opisina ni dad pero hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin ngayon dito. Seryoso siyang nakatingin sa monitor. Mula nang makarating ako dito ay ni isang beses ay hindi niya ako binalingan ng tingin. “Dad, kung wala ka rin namang sasabihin ay hindi mo na sana ako pinapapunta pa r