Chapter 41

3166 Words

14 Years Ago   Andea’s POV   Masaya akong naglalaro sa aming bakuran. Nasanay na rin akong mag-isang naglalaro tuwing weekend. Dad won’t allow me to go outside the house. Pinapayagan ko lang siya kung kasama ko siya. Nasanay na rin akong ganito ang buhay ko. Sa paaralan naman ay iilan lang ang mga nakakasalamuha ko gayong palaging sinasabi sa akin ni dad na pipiliin ko raw ang mga batang pakikisamahan ko at madalas sa kanila ay ang mga anak ng mga business partner ni dad.   Well, hindi na ako nagreklamo pa.  Hindi tulad ng maraming kabataan ay nasa akin na ang lahat. Maibibigay ni dad sa akin ang hihilingin ko at makukuha at makakamit ko ang lahat ng nais kong makamit. Hindi tulad ng karaniwang kabataan na pahirapan sa pagkamit ng kanilang pangarap.   Naintindhan ko naman si dad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD