Chapter 9

2299 Words
Andrea’s POV “Ma’am, pinapatawag ka po ng daddy ninyo sa opisina niya,” mula sa aking monitor ay napabaling ako sa secretary ni dad sac aking harapan ngayon. “For what?” taas kilay kong tugon. Hindi ko alam kung ano ang sadya ni dad. Wala naman siyang binanggit sa akin na reports na kailangan kong ipasa sa kanya ngayong araw. “Hindi po sinabi e. Pero it seems so urgent po and he wants you to be there as soon as possible.” Wika nito. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang ang secretary ni dad na umalis sa aking opisina. Marahan kong niligpit ang aking gamit saka pinatay na lang ang aking monitor. Ilang minuto at nakarating na rin ako sa mismong opisina ni dad. “Ano ang sadya mo dad?” tipid na wika ko. Hindi ako tumingin sa mga mat ani daddy lalo pa at bakat na bakat pa rin sa isipan ko ang pag-uusap namin noong nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit nais niyang magbago ang asal ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magbago para lang magustuhan ng maraming tao. “May business outing na gaganapin bukas and I want you to be prepared. Maraming opurtunidad sa outing na gaganapin at alam kong maraming malalaki at international companies ang dadalo nito bukas kaya ngayon pa lang ay kailangan mo nang maging handa,” wika ni dad dahilan para mapaangat ako ng aking kilay. “Kailan pa ba ako naging hindi handa, dad?” taas kilay na wika ko. Buti na lang at hindi niya ako pinatulan. Nanatili lang itong tahimik matapos sabihin sa akin ang impormasyon na iyon. “Wala ka na bang sasabihin? I’ll get back to my office,” wika ko saka akmang tatayo na sana para bumalik sa aking opisina pero mabilis na muling nagsalita si dad kaya napabaling na lang akong muli sa kanya at umupo na lang ulit nang maayos sa upuan. “For your security, hindi ko hahayaang mag-isa kang pumunta doon. Kailangan kong masiguro nang seguridad mo, hija kaya---” ako na mismo ang pumigil kay daddy. He’s being hysterical again. “Dad, I know that will be a big event so I am pretty sure the security are pretty good too. Hindi na kailangan pa ng mga taong isasama o---” mabilis rin akong sinita ni dad. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapakabit-balikat na lang. “Hindi natin alam ang totoong pangyayari, Andrea kaya mas mabuting handa. Lalo pa at hindi malapit ang palawan. Sa palawan gaganapin ang event kaya mas mabuti nang makasiguro.” “You fired all my bodyguard dad. Sino ang taong ipapasama mo sa akin? Don’t tell me.” Napahinto ako sa pagsasalita lalo pa at naisip ko na naman ang imahe ng mokong na iyon. “Zandrick will be with you in the whole trip. Siya na ang bahala sa seguridad mo doon hija.” Sa sinabi ni dad ay hindi ko maiwasang mapaangat ang aking katawan. Napaayos ako sap ag-upo na kulang na lang ay tatayo ako sa sobrang gulat sa sinabi ni dad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pinakain ng lalaking iyon kung bakit nagkakaganito si daddy na animo’y parang tiwalang-tiwala na siya sa lalaking iyon. “Dad! Hindi pwede ang nais mo! Ayaw kong makasama ang lalaking iyon sa trip and for Pete’s sake! Ano ba ang ginawa ng lalaking iyon sa ‘yo at parang nakuha na niya ang buong tiwala ninyo? Ilang araw pa lang siya sa trabaho niya pero parang pinagkakatiwala mo na sa kanya ang nag-iisang anak ninyo!” hindi ko maiwasang mapaangat ang aking boses sa sobrang inis. Hinding-hindi ko hahayaang si dad na sirain ng lalaking iyon ang business trip na tinutukoy ni dad. “I saved your life once, Andrea kaya alam kong magagawa rin niya iyon nang paulit-ulit sa ‘yo. He’s good at nakikita ko sa kanya ang kaligtasan mo. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama at sasama si Zandrick sa ‘yo. Nagkakaintindihan ba tayo?” wika ni dad. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang umiwas ng tingin kay dad. Kilala ko si dad at kung gusto niyang mangyari ang isang bagay ay magagawa niya iyong tuparin at ni ako ay hindi ko kayang pigilan iyon. Pero hindi ko maiimagine ang sarili ko in that business outing together with that jerk. Hinding-hindi ako mag-eenjoy kung sakaling kasama ko ang lalaking iyon. I even imagine already thousands of misunderstandings with him now. “And one last thing,” si daddy dahilan para muli ko na namang maibaling ang aking atensyon sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin ngayon at sa monitor sa harapan niya ito nakatuon. “I chose him to be your escort.” Pagpapatuloy ni daddy na siyang mas lalo lang pumukaw sa aking sisitema. Sa punton ito ay hindi ko na maiwasang mapatayo. Mapatayo dahil sa matinding gulat. DamMIT! “Dad!” mabilis kong sigaw. Umangat pa lalo ang aking boses lalo pa at hinding-hindi na ako makakapayag na pati iyon ang mangyari. “Tinanggap ko na lang na magiging bodyguard ko siya sa outing but being my escort is like… what the f**k, dad! SIGURADO BA KAYO?!” sa sobrang gulat ko ay hindi ko maiwasang mapamura. “Every outing must have an escort, Andrea. I don’t want to hire different personnel to act as your escort. One is enough and that’s Zandrick. Ayaw mo n’on? He’s your bodyguard and at the same time, your escort,” si dad na mula sa kanyang monitor ay bumaling itong muli sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa puntong ito. Hindi pwede. Hindi pwedeng pat isa outing na iyon ay kasama ko ang mokon na iyon. Hindi pwedeng tuluyan na siyang maging parte ng aking buhay. “I know dad. I attended multiple outings and events pero nagawa ko naman ang nais mo nang walang escort. I made those outings and events successful alone! Kaya hindi na kailangan pang maging escort ko pa ang Zandrick na iyon. Dad!” sa boses ko ay halatang-halata na binabalot ng pagmamakaawa ang aking boses. “Yes you did but this outing is quite different. Sa Palawan gaganapin ang event kaya alam kong kailangan mo ng ibang taong makakasama. Limang araw rin ito and I can’t imagine my princess alone in that island.” Si dad na siyang nagpapatirik ng aking paningin. “Dad, like. Eeew! Hindi ko kayang makipag-make out sa isang bodyguard! Ganyan na ba kababa ang standards mo para sa tinuturing mong prinsesa. If you want an escort, I deserve better than that man!” mataray ang boses na pinakawalan ko. Sa ginawa ni dad na ito sa akin ay parang binibigay na niya rin ako sa isang pobreng lalaking tulad niya. Lalaking walang ibang alam kung hindi ang makipagbasag-ulo lang. Kailanman ay hinding-hindi ko magagawang makikisama sa lalaking iyon at mas lalong hinding-hindi ako magkakaroon ng interes sa kanya! Lamunin man ako ng lupa! “Wala akong ibang intensyon, anak kung hindi ang seguridad lang. Gusto kong nasa tabi mo palagi si Zandrick para masigurong okay ka sa lahat ng oras. Hinding-hindi na ako makakapayag pa na mangyari ulit sa ‘yo ang nangyari sa club; ang mabastos ka ng sino mang lalaki. You’re my one and only daughter at gagawin ko ang lahat mapanatili lang ang kaligtasan mo.” Si daddy. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang itikom na lang ang aking bibig. Alam kong kailanman ay hinding-hindi ko na magagawang kumbinsihin si dad at pigilan sa nais niya gawin kaya isa na lang ang tanging paraan na magagawa ko kung hindi ang kumbinsihin ang lalaking iyon na huwag na lang sumama sa outing bukas. Hindi ako makakapayag na makakasama ko ang lalaking iyon doon. Ayaw kong masira ang buong araw ng outing ko doon kaya habang maaga pa ay kailangan kong makagawa ng paraan para mailayo ko sa buhay ko ang lalaking iyon. Alas singko na nang bumaba ako mula sa aking opisina. Sa parking lot ang diretso ko lalo pa at alam kong sa puntong ito ay naroon na siya at naghihintay sa akin. Hindi naman ako nabigo mula sa aking iniisip, hindi pa nga ako tuluyang nakalapit sa sasakyan ay namataan ko na kaagad siya doon; nakasandal lang sa sasakyan. Nakaktingin ito sa malayong parte nitong parking area habang abala sa paghigop sad ala niyang segarilyo. Kitang-kita ko pa nga kung paano balutin ng maraming usok ang kanyang mukha at dahil doon ay hindi ko maiwasang mapairap. Ito ba ang tinutukoy na escort ni dad? What the heck! Mas bagay pa yata sa akin ang isang waiter na walang bisyo kesa sa maangas at matikas na dating ng lalaking ito pero badboy naman ang dating! Nang marinig ang yapak ng aking paa ay mabilis rin itong bumaling sa akin. Kasabay ng pagbaling niya sa akin ay ang mabilis nitong pagkuha sa segarilyong nasa kanyang bibig saka mabilis iyong nilalaglag sa sahig at tinapakan na animo’y walang nangyari. Hanip, ah. Hindi niya talaga alam ang pwede at hindi pwedeng gawin ng isang driver at bodyguard. Nagtataka lang ako kung bakit ganoon na lang kung makapuri si dad sa lalaking ito gayong wala naman akong nakitang matinong ginawa ng lalaking ito sa aking harapan. Hindi ako nagsalita pa at tulad ng inaasahan ko ay nauna pa itong sumakay sa kotse habang ako ay naiwang mag-isa sa labas. Napahinto ako. Gusto ko sanang magtalak na naman pero hindi ko na iyon ginawa at pinigilan na lang ang aking sarili. Sa halip ay napapikit na lang ako at ako na mismo ang nagbukas ng pinto saka pumasok na sa passenger’s seat. Napabuntong hininga ako. Kanina ko pa sana gustong magsalita para pagalitan na naman siya pero hindi ko na ginawa lalo pa at may ipapakiusap ako sa kanya ngayon. I want to be good in front of him at baka makumbinsi ko pa siya sa nais kong mangyari. “Salamat.” Mahinang wika ko. Muli ay napabuntong hininga na naman ako. Dammit! Hindi ko maiwasang isipin kung gaano siya kaswerte upang marinig ang katatagang iyon mula sa akin mismo. Ito ang unang beses sa buong buhay ko ang sabihin ko ang katatagang iyon. “Uhmm,” napalingon ako sa labas. Lalo pa ngayong hindi siya nagsalita at marahan na lang na pinapatakbo ang kotse. “Gusto kong magpasalamat tungkol doon sa pagliligtas mo sa akin sa club. You saved my life.” Pagpapatuloy ko pa. Hindi siya nagsalita kaya hindi ko alam kung mali pa rin ba itong ginawa ko o sadyang antipatiko lang talaga siya. Sa puntong ito ay hindi ko maiwasang mainis pero pinigilan ko ang sarili ko para hindi niya iyong mahahalata. “Zandrick, hindi naman sa masama ako pero pwede naman tayong magkakalinawagan, hindi ba?” wika ko. Abala ito sa pagmamaneho at ni isang beses ay hindi niya ako tiningnan ni sa pamamagitan man lang ng rearview mirror nitong sasakyan. “Ano ang gusto mo, Miss Cervantes. Pwede mo namang sabihin sa akin nang hindi nagpapaligoy-ligoy. Alam kong peke lang ang kabaitang pinapakita mo sa akin ngayon,” wiika nito pero kahit nakatalikod lang siya at hindi nakatingin sa aking gawi pero kitang-kita ng mga mata ko ang antipatikong reaksyon niya. Sa puntong ito ay hindi ko na mapigilan pa ang ipakita sa aking ekspresyon ang tunay kong nararamdaman. I tried to be nice pero siya mismo ang sumira sa mood ko. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko pero sa sinabi niyang iyon ay mas lalo lang akong nainis sa kanya. “Alam mo ang tanging gusto ko? Iyon ay ang umalis ka sa buhay ko. Pwede ba? Para kang aso na sunod nang sunod sa akin,” sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. “Hindi ako sumusunod sa ‘yo, Miss Cervantes. I am just doing my job.” Wika nito sa akin dahilan para mas lalo lang uminit ang aking noo. Hindi ko maiwasang mapaawang ng bibig sa sobrang galit at inis. Hindi ko alam pero sa tuwing nagbibitaw siya ng mga sarili ay mas lalo lang akong naiinis. May kung anong mayroon sa kanyang boses at sa tono ng kanyang salita na alam kong hinding-hindi ko nagugustuhan. “Alam mo naman pala, eh! Eh ‘di umalis ka sa trabaho! Lumayo ka sa buhay ko!” inis na wika ko at sa puntong ito ay tuluyan nang umangat ang aking boses. Hindi siya nagsalita kaya mas lalo lang akong naiinis. Mas lalo lang akong naiinis sa pananahimik niya. “Bingi ka ba o sadyang mangmang ka lang? I want you to get out from my life!” wika kong muli. Ilang segundo pa at mabilis rin niyang pinahinto ang kotse. Nagulat ako sa ginawa niya kaya sa puntong ito ay hindi ko maiwasang mapatikom ang aking bibig. Mabilis niya akong binalingan ng tingin. Sa puntong ito ay tanaw na tanaw ko ang bakat na bakat na panga niya na alam kong galit at inis ang bumabalot ngayon sa kanyang reaksyon. “Alam mo Miss Cervantes, kuing inakala mong type kita, nagkakamali ka. Trabaho ang sadya ko kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa akin. Kung ayaw mo akong kasama, e hindi ikaw ang bumaba nitong kotse. O baka ikaw ang may gusto sa akin kaya ganoon na lang ang galit mo sa akin?” ngiting wika niya na siyang mas lalo lang nagpapakulo ng aking dugo. Walang hiya siya! Anong karapatan niyang sabihin sa akin ang mga katatagang iyon? Hindi ko siya gusto at kailanman ay hindi ako magkakagusto sa katulad niya! Hindi siya papasa sa standards ko kaya kailanman ay hinding-hindi ko siya magugustuhan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD