Chapter 8

1174 Words
Zandrick’s POV “Kumusta ang pinapagawa ko sa ‘yo?” nakatingin lang ako sa mga mata ni dad habang sa news paper nakatuon ang atensyon nito habang sinasambit niya ang mga katatagang iyon. I did a deep sigh. Sa tanong na iyon ay hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng babae si Andrea; ang mga kasungitan niya sa akin at ang mga usapan naming kailanman ay hindi kami nagkakaintindihan. “Dad, parang mahihirapan po yata akong gawin ang pinapagawa ninyo. Pero sisikapin ko pong magawa iyon sa mas madaling panahon.” Wika ko dahilan para maibaling ni dad ang dala nitong newspaper saka ito bumaling sa akin. He gave me a serious look. “Babae lang ang Andrea na iyon, Zandrick kaya alam kong kayang-kaya mo iyong gamit ang mga daliri mo lang. Paanong nahihirapan ka?” si dad. Kung alam lang sana ni daddy kung anong klaseng babae si Andrea. Kung alam lang sana niya ang asal at pagkataong taglay nito ay sana maintindihan niya ang sinasabi ko ngayon. “She’s not the usual women we knew, dad. Hindi basta basta makontrol ang isang Andrea Cervantes. Pero gagawin ko po ang lahat para mas mapabilis ang paggawa ng plano. Hindi ako papayag na matatalo lang ako ng isang babae.” Mula kay dad ay nailipat ko ang atensyon ko kung saan sa loob ng opisinang ito. “Good. Saka binabalaan kita, Zandrick. Hindi lang tayo ang tanging nagplaplano niyon sa pamilya Cervantes kaya kailangan mong magmadali,” wika nito na siyang nagpapakunot ng aking noo. Napaayos ako ng upo. Hindi ko inaasahan ang binitawang salita na iyon ni dad. “A-ano ang ibig mong sabihin, dad?” seryosong tanong ko sa kanya. Mula sa akin ay bumaling muli si dad sa hawak nitong newspaper. Hindi rin nagtagal ay muli niyang sinindihan ang sigarilyong nasa harapan niya. “Ang Phoenix at ang Dark Mamba.” wika nito na siyang mas lalo pang nagpapakunot ng aking noo sa kuryusidad na aking nararamdaman ngayon. “Mula sa ibang bansa ang mga ito at dahil international ang Cervantes Shipping Lines kaya pati ito ay gusto na rin nilang pasukin at angkinin.” Pagpapatuloy nito. Hindi ko maiwasang mapatiim-bagang dahil sa sinabi ni daddy sa akin. “Ang Dark Mamba ay pinamumunuan ng isang Chinese- American habang ang Phoenix naman ay isang Australian Group. Mainit na magkakalaban ang dalawang ito at kailanman ay hindi nila matatanggap ang kabiguan sa isa’t-isa kaya pareho silang naghahabol sa yaman na mayroon ang Cervantes Group of companies. Alam kong sa puntong ito ay humahkabang na sila, Zandrick,” wika ni dad. Sa puntong ito ay hindi ko maiwasang maging alerto sa sinabi ni dad sa akin. “Ano ang gagawin natin dad?” ang tanging lumabas sa aking bibig. Hindi nila pwedeng sirain ang planong binuo namin noon pa man. “Isa lang naman ang magagawa natin, Zandrick at iyon ay ang maunahan natin sila. Kilala ko ang dalawang grupong ito ay alam kong hindi nila matatanggap ang pagkatalo kaya habang hindi pa sila nagsisimula ay kailangang tapusin na kaagad ang plano nating ito. Kailangan mo nang kunin ang loob ng pamilya Cervantes Zandrick sa mas mabilis na panahon. Hindi nila pwede nila pwedeng maunahan. Ang mga grupong tulad nila ay walang puwang sa bansa natin.” Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang tensyon. Pero hindi ako pwedeng magpadaig. Tama ang sinabi ni daddy; walang puwang sa bansang ito ang dalawang grupong iyon. Hindi nila pwedeng pangunahan ang mga plano namin. Napatiim-bagang ako. Paano ko magagawa nang mas mabilis ang plano ko kung tulad ng Andrea na iyon ang makakaharap ko. Alam kong walang saysay ang gandang lalaki na mayroon ako sa babaeng tulad niya kaya hindi ko alam kung magagawa ko ban ang mas mabilis ang planong ito. “Gagawan ko ng paraan, dad. Para sa atin lang ang yaman ng pamilya Cervantes at kailanman ay hindi ito mapupunta nino man,” matigas na boses ang pinakawalan ko saka umiwas ng tingin kay dad. “Tutuloy na po ako,” tumayo ako saka sinamulan na ang paghakbang palabas ng opisina ni dad. Likas na sa pamilya namin ang ganitong pangyayari, ang makikipag-unahan sa mga kapwa mafia para sa yaman na gustong maangkin. Ang pamilya namin ay kilala sa buoing mundo bilang nag-iisang mafia group dito sa pilipinas at kailanman ay hindi pa namin naranasang natalo o nabigo sa mga plano namin. Kaya ngayon ay titiyakin kong hinding-hindi ako mabibigo. Hindi ko ipapahiya ang pamilya Lanston lalo pa at ako na ang mamamahala sa posisyon ni dad. Bumalik ako sa aking sasakyan. Ngayon pa lang ay kailangan ko nang makagawa ng paraan para makuha ang loob ng Andrea na iyon. Hinding-hindi ko hahayaang matalo lang ako sa kasungitang taglay niya. “SIR, SORRY TO TELL THIS PERO HINDI KO PO TALAGA KAYANG PAKITUNGUHAN ANG ANAK NINYO. WALA PONG DRIVER O BODYGUARD ANG MAGTATAGAL SA UGALING MAYROON ANG ANAK NINYO,” seryosong wika ko sa daddy ni Andrea. Alam ko na namang noong una pa lang ay kailangang-kailangan na ako nito kaya pagsasamantalahin ko na ang pagkakataong iyon. Kung matalino ang Andrea na iyon ay mas matalino ako. Kung hindi ko siya madadala sa karismang mayroon ako ay ang daddy nito ang gagawin kong tulay para makontrol ko ang masungit na babaeng iyon. “Kung patuloy pa po siyang ganoon ay mas mabuting ngayon pa lang ay---” napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita ang daddy ni Andrea. “Kailangan ko ang katulad mo, Zandrick. Ang tulad mong walang takot. Alam kong kayang-kaya mong protektahan ang anak ko lalo pa ngayong alam kong maraming taong gustong manakit sa kanya. Dodoblihin ko ang magiging sahod mo kung kailangan, mapanatili ka lang sa gilid ng anak ko. Sa ‘yo ko lang naramdaman ang kaligtasan ng anak ko, Zandrick kaya hindi ka pwedeng mawala sa tabi niya,” wika nito na siyang nagpapangiti sa akin mula sa aking isipan. Sa boses nito ay ramdam na ramdam kong gagawin nito ang lahat mapanatili lang ako sa tabi ng kanyang anak. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaginhawaan. Sa narinig ko mula sa matandang ito ay parang nanalo na rin ako sa luto. “Hindi po mababayaran ng pera ang ugali ng anak ninyo, Mr. Cervantes. Ni aso ay hindi nito kayang kainin,” wika ko. Kitang-kita sa mukha nitong nasa akin pa rin ang pabor nito. Kung hindi ko kayang bilugin ang babaeng ‘yon ay sisimulan ko iyon sa kanyang ama. “I’ll do everything, Zandrick for you to stay. Kung nanaisin mong baguhin ko ang ugali ng aking anak ay gagawin ko. Huwag ka lang umalis. Kailangan ko ang taong tulad mo.” Wika nito sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti mula sa aking isipan dahil sa sinabing iyon ni Mr. Cervantes. Alam kong mahal na mahal niya ang anak niya gayong nag-iisang anak lang niya ito kaya alam ko ring magagawa ko ang nais ko. Pagsasamantalahin ko na rin ang pagkakataong kailangan ako ng ama ng isang Andrea Cervantes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD