Zandrick’s POV
Wala na akong ibang paraan pa. Kung ang pagiging bodyguard lang ang magiging tanging paraan para magkaroon ako ng koneksyon sa pamilya Cervantes. Hindi ko pwedeng biguin si daddy lalo pa at malapit na ring dumating ang pagmamana ko sa posisyon ni dad. Hindi ko siya pwedeng biguin kaya kailangan kong magawa ang pinapagawa niya sa mas madaling panahon nang hindi pumapalpak at malinis ang kinalalabasan.
“Sino ang hinihintay ninyo dito?” tanong ko tatlong taong nakasandal lang sa sasakyan na kilala ko kung sino ang nagmamay-ari.
Maingay sa loob ng bar kaya malaya akong makakagawa sa anumang gusto ko sa labas.
“Bakit? Sino ka ba?” maangas na wika nito. Hindi ko maiwasang uminit ang aking dugo dahil sa inaasta ng isang lalaking alam kong isa sa mga body guard ng masungit na Andrea na ‘yon.
Ngumiti ako at pinapakita sa kanila na nagkakamali sila ng sagot sa tanong kong iyon. Sa tono ng kanilang pananalita ay parang hindi nila ako kilala; hindi naman talaga nila ako kilala at kailanman ay hindi nila ako pwedeng makilala.
Nang mapansing dahan-dahan na nitong binunot ang baril na hawak nito ay doon na ako naalerto. Siguro napansin nila ang mga kilos kong alam kong nakakahalatang may balak akong kakaiba.
Bago pa nila mabunot ang baril ay inunahan ko na sila. Mabilis ko sila pinagsususuntok hanggang sa tuluyan na silang mawalan ng malay. Sa likod nitong bar ko sila pinapahiga at doon iniwan.
Wala na akong ibang paraan pa kung hindi ito lang. Kung hindi ko madadaan sa pakiusap ang Andrea na iyon ay gagamitin ko ang dahas magkaroon lang kami ng koneksyon sa isa’t-isa.
Sa ilang minutong paghihintay ay nakita ko na rin siyang kakalabas ng bar. Akmang tatayo na sana ako para lapitan siya nang mapansing may lalaking bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan. This man looks formal pero sa mga tingin nito kay Andrea ay alam kong may ibang binabalak ang lalaking ito.
Panay ang tingin ni Andrea sa paligid na alam kong hinahanap ang body guard nito pero kailanman ay hindi na niya iyon makikita pa lalo pa at mahimbing nang natutulog ang mga iyon sa likurang bahagi nitong bar.
Napangiti ako. Ang panibagong plano ang bigla na lang pumasok sa aking isipan.
“Kapag sinuwerte nga naman, oh.” Mahinang sambit ko sa aking sarili.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko na rin silang nilapitan. Mabilis kong pinigilan ang akmang paghawak ng lalaking ito sa kay Andrea. Alam kong gulat na gulat si Andrea sa pangyayaring ito kaya wala na siyang ibang magawa pa kung hindi ang mapapikit na lang.
“You’re having a wrong victim,” mahinang sambit ko pero bago pa ito makawala sa pagkakahawak ko ay mabilis ko itong itinulak dahilan upang mapasandal ito sa sasakyan.
Kung hindi lang sana dahil sa mga plano ko ay hindi ko n asana pakikialaman ang lalaking ito. Hindi na sana ako makikialam pa sa kung ano man ang balak nito sa kay Andrea.
Gamit ang lakas ko ay tinuonan ko ng leksyon ng lalaking ito sa harapan ni Andrea. I did it for purpose. Dahil alam kong pagkatapos at pagkatapos ng lahat ng ito ay malaya na rin akong pasukin ang mundong ng isang Andrea Cervantes.
Napahinto ako nang sumigaw si Andrea. Hindi ko na rin namalayang nasarapan na rin pala ako sa pagsuntok sa lalaking ito. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong nakapapanakit ng tao kaya sabik akong gawin ang mga ito ngayon.
Nanatili akong nakatalikod at hindi pa ako humarap. Buong akala ko ay magpapasalamat siya sa akin o ang magsalita man lang nang kung ano para puriin ang ginawa ko pero hindi niya iyon ginawa. Sa ilang segundo paghihintay ay wala akong nakuhang ni isang katatagan mula sa kanyang kaya ako na mismo ang nagbitiaw ang salita.
“Huwag kang lumabas na mag-isa kung hindi mo naman kayang ipagtanggol ang sarili mo. Kung wala ako ay tiyak na tuluyan ka nang natikman ng lalaking iyon. Sayang kung ganoon,” mahinang wika ko pero alam kong rinig na ring niya ang mahinang pagsambit kong iyon lalo pa at malalim na ang gabi. Nakatalikod pa rin ako.
Ilang segundo rin akong naghintay na magsalita siya pero hindi ko iyon narinig. Dammit! Wala ba siyang pakiramdam o puso? Ni hindi man lang niya pupuriin ang ginawa ko kanina sa harapan niya? Ni hindi man lang siya nagpapasalamat o ang bigyan ako ng reward o hiling na pwede niyang tuparin?
“Sino ba ang nagsabi sa ‘yo na ipagtanggol moa ko? Kung alam mo lang ang kaya kong gawin, Mr. Whatever. Kaya ko na ang lalaking iyon at kailanman ay hindi ko kailangan ang tulong mo!”
Napaawang ako ng aking panga. Sa hindi inaasahan ay naramdaman ko ang inis. Inis dahil sa harap na pasasalamatan niya ako ay siya pa itong galit. Na sa halip ay pupuriin niya ako gayong may utang na loob siya sa akin pero siya pa iyong may ganang magalit sa ginawa kong iyon.
Ngumiti ako. Ngiti hindi dahil nasiyahan ako kung hindi dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Ngiti kung saan pinapakitang hindi ako makapaniwala sa inaasta niya sa akin ngayon. Kung tutuusin ay hindi dapat siya ganito. Kung tutuusin ay hindi siya ang nararapat na magalit. May utang na loob siya sa akin kaya kailangan niyang ipakitang nagpapasalamat siyang dumating ako para iligtas siya mula sa manyak na lalaking iyon.
Pero mali. Mali ang pinapakita niyang asal.
“Hoy! Pwede ba? Humarap ka sa ‘kin at nang makita ko iyang pangit mong mukha?” inis na wika nito.
Sa puntong ito ay hindi ko na maiwasang mapapikit ng mga mata. Kung wala lang talaga akong importanteng sadya sa baabeng ito ay kanina ko pa siya iniwanan dito at hinayaan na lang. Dahil sa sobrang inis ay hindi maiwasang bumakat ang aking panga at ugat sa aking sintido. Alam kong kahit gaano man kalala ang inis na nararamdaman ko sa puntong ito ay kailangan ko iyong kontrolin. Kailangan kong makontrol ang sarili ko lalo pa at hindi pa ako nagsisimula sa mga plano ko sa kanya.
Nakatiim-bagang akong humarap sa kay Andrea. Nang makita ang ekspresyon ng kanyang mukha ay naalala ko na naman ang alaala sa isipan ko noong una kaming nagkita sa parking lot na iyon ng kanyang kompanya.
Alam ko na naman noong una pa na hindi siya mabilis pasukiin at kotrolin. Pero naniniwala akong kahit gaano pa katigas ang bakal ay matutunaw at matutunaw pa rin ito. Kaya alam kong hindi man sa ngayon pero magagawa ko ring paamuhin ang babaeng ito.
“Sana pala hinayaan na lang kitang matangay at marape ng lalaking iyon,” umaawang ang aking panga habang sinasambit ko iyon. I give him dark looks. Sa mga tingin ko ay pinapakita ko kung paano ako magalit pero parang wala lang iyon sa kanya. She looks like no fear. “You should be thankful for my arrival, Miss Cervantes,” pagpapatuloy ko pa saka dahan-dahan nang humakbang papalayo sa babaeng iyon.
Hindi ko na siya nilingon pa kahit pa rinig na rinig ko ang bawat pagsambit niya sa aking pangalan. Alam kong wala naman akong mapapala kung makikipagtalo pa ako sa kanya sa gabing ito. Mas lalo lang masasayang ang oras ko kung hahayan ko siyang magpalitan kami ng mga walang kwentang salita.
Sumakay ako sa aking sasakyan. Gamit ang aking kanang kamay ay kinuha ko ang isang call card na mula pa sa bulsa ng isa sa mga bodyguard ni Andrea. Marahan ko iyong inangat at binasa ang nakasulat doon.
“Alejandro Certvantes.” Ang pangalan ng ama ni Andrea at nakalagay pa doon ang personal na numero nito at ang kabuuang pangalan ng kanilang kompanya.
Napangiti ako. Wala na akong ibang maisip pa na paraan kung hindi ito lang. Wala na akong ibang maisip pa na tao o bagay na pwede kong gamitin kung hindi ito lang kaya gagawin ko. Wala mana sa plano ko ito noon gayong buong akala ko ay mabilis ko na ma makontrol ang Andrea Cervantes na pinakilala sa akin ni dad pero nagkakamali pala ako ng iniisip.
“Kung hindi kita kaya kontrolin, pwes uunahin ko ang taong maykontrol sa ‘yo. Ang daddy mo.” Wika ko sa sarili ko.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko na ring kinuha ang aking cellphone saka ko dinial ang numero ng daddy ni Andrea. Hindi rin nagtagal ay sumagot rin naman ito kaya nilakasan ko na rin ang loob ko upang may lakas akong maiharap sa taong alam kong magagamit ko para magawa ko ang aking plano.
Hinding iyong tipong babaeng karaniwan kong nakikilala si Andrea. Ang mga kadalasang babaeng nakukuha ko lang sa isang tingin at kindat pero iba ang Andrea. Alam kong may sariling prinsipyo siyang hinahawakan at alam kong kailanman ay hindi ko iyon makokontrol at mapapabago.
Kaya ang daddy niya ang uunahin ko bago siya. Wala rin naman akong mapapala kung panay ang sunod ko sa kay Andrea at alam kong kailanman ay hindi ko siya magagawang kontrolin sa bilis ng aking iniisip.
Kailangan kong magpakitang gilas; hindi ko man iyon magagawa sa kay Andrea pero alam kong madali ko lang iyong magawa sa daddy nito.
I applied for beeing her bodygaurd. Dadil sa daddy ni Andrea ay nagkaroon ako ng kapit at dahilan para sundan ang isang Andrea Cervantes. Alam kong hindi ko makukuha ang loob ng isang Andrea Cervantes sa pamamagitan ng paglalambing kaya sa magkasalungat na paraan ko iyon gagawin.
Kung masungit ang ugaling mayroon siya ay kailangan kong ipakita sa kanya na kailanman ay hindi ako matitinag sa mga ugaling mayroon siya. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi lahat ng taong nakakasalamuha niya ay kaya siyang tiisin at pakikitunguhan.
“Wala ka bang gagawin?” inis na wika nito. Alam kong sa puntong ito ay lumiliyab na siya sa galit.
Hindi ako kumibo sa halip ay nanatili lang akong nakaupo sa driving seat. Kung matigas man siyang tao at hinding-hindi makokontrol ni sino man ay ganoon rin ang aggawin ko. Hindi mo magagawang pasukin ang isang nakasarang bagay kung hindi mo babasagin; kaya kailangan kong tapatan ang ugaling mayroon ang isang Andrea Cervantes para mapaamo ko siya. Alam kong hindi ganoon kabilis iyong gawin pero alam ko sa sarili ko na magagawa ko iyon.
“Ano ba! Malalate na ako sa trabaho! I should be in the office at this time!” pangalawang sambit nito sa akin.
Hindi pa rin ako kumibo. Hinayaan ko lang siyang talak nang talak sa aking likuran at wala na akong pakialam pa kung malalate man siya sa tinutukoy niyang trabaho. Ang nais ko lang na gawin ngayon ay ang luimiyab siya sa inis at nang magsawa siya sa galit na mayroon siya. At nang mapagtanto niyang hinding-hindi niya ako kaya at iba ako sa taong inaaasahan niyang makilala.
Hindi ako iyong taong napapasunod lang nang kung sino-sino. Lalo pa sa posisyong mamanahin ko.
Ilang minuto pa nang lumabas ako ng kotse at sa puntong ito ay inaasahan niyang pagbubuksan ko siya pero hindi ko iyon ginawa at kailanman ay hindi ko iyong gagawin. Hinding-hindi ako magiging sunod-sunoran sa kung sino man. Walang taong makakakontrol sa aking sarili kung hindi ako lang at hindi ang isang Andrea Cervantes. Dumiretso ako sa baggage para kunin ang bag niya. Hindi ko man gusto pero kailangan kong magpanggap na bilang isang driver at body guard.
“Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho ng isang driver, ha?” inis na wika nito. Nang makuha ko ang bag niya doon ay saka ko pa isinara ang baggage saka ko siya hinarap at tiningnan sa mga mata nito. Madidilim na tingin ang iginawad ko sa kanya.
“Hindi ako ang personal assistant mo, Miss Cervantes.” Mahinang wika ko pero alam kong rinig na rinig niya ang sinabi kong iyon sa kanya.
“Trabaho ng driver ang pagbuksan ng pinto ang kanyang pasahero. Parang nagmali yata ng hire sa ‘yo si daddy. Kung ayaw mong gawin ‘yon, you better step out ang quit this job!” wika na naman nito. Kung wala lang talaga akong sadya sa babaeng ito ay kanina ko pa pinisil ang bibig nito at para matigil na rin ang kasungitan ng kinyang bibig. Kahapon pa ako inis na inis sa babaeng ito.
“May kamay ka, Miss Cervantes. Sayang naman ang ganda ng iyong kamay kung hindi mo gagamintin,” mahinang wika ko para na rin tuluyan na itong maiinis sa aking harapan.
Matapos kong sambitin iyon ay humakbang na rin ako papasok sa kompanya ng Cervantes. Hindi ko na hinintay pang sumunod sa akin si Andrea sa halip ay iniwan ko na lang itong mag-isa sa parking area. Rinig na rinig ko pa ang bawat sigaw niya sa akin na alam kong tinatawag ang aking pangalan para subukan akong pahintuin.
Kilala ko ang tipo ni Andrea. Sa ilang taon kong pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao sa siyudad mayaman man o hindi ay alam ko na kung paano paamuhin ang iba’t-ibang tao sa panahon ngayon. Pero sa puntong ito ay alam kong hinding hindi ko madadaan sa lambing ang isang Andrea Cervantes.
Kaya kung maari ay idadaan ko sa parehong laro ang pagpapaama ng isang Andrea Cervantes. Kailangan kong ipakita sa harap ng babaeng ito na matigas pa ako sa bato at kailanman ay hindi uubra sa akin ang kasungitan niya.