Chapter 6

2074 Words
Andrea’s POV   Hindi ako kumibo sa passenger’s seat. Ni isang katatagan ay wala akong binitawan sa aking bibig kaya ramdam na ramdam ko ang katahimikan na namamagitan sa amin ng mayabang na Zandrick na ito. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya. Pero sa puntong ito ay isa lang naman ang nais kong mangyari at iyon ay ang palayasin ang mayabang na ito sa aking paningin. I want him vanish from my life at nang maging mapayapa ang takbo ng aking araw. Lalo na ngayong naging driver at bodyguard ko pa siya at alam kong sa puntong ito ay araw-araw ko na siyang makikita. And damn him! Sinasadya ba niyang sundan ako?   Hindi naging maganda ang unang naming pagkikita. Hindi ko alam kung ano ang totoong motibo niya sa akin noon. Kung makikipagsundo ba siya sa akin sa negosyo o ano. Well, wala na akong pakialam pa. Tanging nais ko lang ay ang mawala sa buhay ko ang lalaking ito lalo pa at hindi ako komportableng kasama siya.   Sa kung saan saan na lang napupunta ang aking paningin para lang mabilang ko ang sarili ko. Ayaw kong maramdaman ang presensya niya at mas lalong ayaw kong isipin na nasa harapan ko siya ngayon kaya nilibang ko na lang ang atensyon ko sa panonood ng tanawin sa siyudad.   Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa kompanya. Sa parking lot ang tungo namin. Tulad ng palagi kong ginagawa ay nanatili lang akong nakaupo sa aking upuan at hinihintay na lang na pagbuksan ako ng puntuan. Ilang minuto rin akong tahimik na nakaupo sa passenger’s seat at hinintay na pagbuksan niya pero hindi niya iyon ginawa.   Buong akala ko ay mauna siyang bumaba para pagbuksan ako pero hindi. Nanatili lang itong nakaupo sa driver’s seat na animo’y hinintay akong bumaba.   Damn him! Hindi ba niya alam ang trabaho ng isang driver? Ang dapat at hindi dapat gawin ng isang driver?   “Wala ka bang gagawin?” inis na wika ko.   I am waiting for his response but I didn’t get even a small statement from him. Kaya hindi ko maiwasang mas lalong mairita sa pinapakita niyang kilos.   “Ano ba! Malalate na ako sa trabaho! I should be in the office at this time!” malakas na boses ang pinakawalan ko kasabay ang pagtingin ko sa aking relos.   I rolled my eyes. Ilang segundo rin ang hinintay ko bago siya gumalaw at tuluyan nang lumabas ng driver’s seat.   Buong akala ko ay sa pintuan siya didiretso kung saan ako nakaupo pero nagkakamali ako. Sa baggage ito dumiretso na alam kong para kunin ang aking mga gamit roon. Mas lalo lang umangat ang aking kilay sa ginawa niya.   Sa sobrang inis ay hindi na ako nakapaghintay pa at ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang tuluyan nang makalabas roon ay mabilis ko iyong isinara saka mabilis siyang hinarap at tinapunan ng madilim na paningin. Kung pwede ko lang sana siyang tunawin gamit ang paningin ko ay kanina ko pa sana iyon ginawa.   “Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho ng isang driver, ha?” malakas na wika ko. Halata sa boses ko ang inis na bumabalot rito.   Pero sa inaasta niya ay parang hindi siya naantig sa sinabi kong iyon sa halip ay nagpatuloy na lang ito sa pagkuha ng mga gamit ko mula sa baggage. Ni isang beses ay hindi niya ako tinapunan ng tingin.   Damn this man! Iniinis niya baa ko?   Hinid siya nagsalita kaya mas lalo lang uminit ang aking pakiramdam. Sa inaasta niya ay parang hindi niya ako naririnig o napapansin man lang. Parang pinipilit pa niya akong hindi mapansin.   “Hindi ako ang personal assistant mo, Miss Cervantes.” Tipid na wika nito nang hindi pa rin ako tiningnan. Nakatalikod lang ito sa akin at ngayon ay kakasaral ang niya sa baggage.   Mas lalo lang umawang ang aking panga sa sobrang inis. Kung makapagsalita siya ay parang siya ang boss dito at tauhan lang ako. Hindi pwede ito at hinding-hindi ko mapapalampas ito.   “Trabaho ng driver ang pagbuksan ng pinto ang kanyang pasahero. Parang nagmali yata ng hire sa ‘yo si daddy. Kung ayaw mong gawin ‘yon, you better step out ang quit this job!” inis na wika ko. Sa sobrang inis ay hindi ko maiwasang matinginan siya mula ulo hanggang paa.   Honestly, he has the body, face and charm pero hindi mapapantayan ng gwapo niyang tindig ang inis ko sa tuwing nakikita siya. Kung hindi niya gagawin nang maayos ang kanyang trabaho ay hinding-hindi kami magkakasundo.   Dahan-dahang humarap si Zandrick sa akin. Sa pagharap niya ay tanaw na tanaw ko ang mga mata nito. Hindi ako nagdadalawang isip na labanan ang mga tingin niya sa akin pero ako na mismo ang umiwas doon lalo na at alam kong may balak siyang kakaiba sa akin.   I want to kick this man out as soon at possible. Kung ganito na lang palagi ay parang hindi yata nabubuo ang araw ko nang hindi niya nasisira at hinding-hindi ako makakapayag na ganito na lang ang bungad niya sa umaga ko habang buhay. Hindi!   “May kamay ka, Miss Cervantes. Sayang naman ang ganda ng iyong kamay kung hindi mo gagamintin,” wika nito sa akin. nakatingin lang ito as aking kamay na animo’y mas lalo lang niya akong iniinis. Ngumiti ito na alam kong para mas mapalawak pa ang inis sa aking sistema saka siya humakbang papalayo sa parking lot at sa akin.   Parang liliyab na ako sa galit. Hanggang kailan niya ba ako mabubwesit?!   “Zandrick!” sigaw ko sa kanyang pangalan, sinusubukan siyang pigilan sa paghakbang pero hindi siya nagpaawat hanggang tuluyan na itong nakawala sa aking presensya.   Dammit!   Really? Hindi ko inaakalang may lalaking makakagawa sa akin nito. O baka hindi tunay na lalaki ang lalaking iyon?   He’s my driver and my bodyguard; kung tutuusin ay doble ang responsibilidad niya sa akin at iyon ay ang pananatilihin ang seguridad ko at alagaan ako. Do I need personal assistant kung nariyan naman siya? Pero ang iwan ako nang nag-iisa sa parking lot na ito ay iyon ay ang hindi makatarungan.   He’s not doing his job!   “DAD, HE IS CRAZY! HINDI SIYA NARARAPAT SA TRABAHO NIYA KAYA PLEASE, FIRE HIM! HINDI SIYA ANG BODYGUARD AT DRIVER NA TINUTUKOY MO!” naiinis na wika ko kay dad. Sa puntong ito ay wala na akong ibang nais gawin kung hindi ang patalsikin sa buhay ko ang lalaking iyon. Hindi ko na yata kakayanin pa ang pakikutungo niya sa akin.   Nang mapansing hindi nagsalita si daddy ay doon na ako nagpasyang magsalitang muli. “Dad, please. Hindi niya ginagawa nang maayos ang trabaho niya. Ni hindi niya ako pinagbuksan ng pinto and he even left me in the parking area alone! Now tell me, siya ba ang bagong driver at bodyguard na tinutukoy mo?” wika ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko. Kailangan kong makumbinsi si dad na paalisin ang lalaking iyon sa trabaho. He doesn’t deserve to be my driver nor my bodyguard!     Hindi nagsalita si dad sa halip ay nanatili lang itong nakaharap sa kanyang monito. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin kaya hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o wala.   “Dad,” wika kong muli par kuinin ang kanyang atensyon.   Ilang segundo rin akong naghintay sa pagbaling ni dad sa aking presensya. Nang tuluyan na itong humarap sa akin ay napataas ako ng aking kilay.   “Alam mo, Andrea,” marahan niyang inikot ang swivel chair niya paharap sa akin.  He then looks at my eyes na parang may mali sa sinabi kong iyon.   Hindi ko inalis ang tingin ko mula kay dad. Gusto kong tapusin na niya ang sasabihin niya. Sa boses niya ay parang namumuo na naman doon ang pangangaral niya akin.   “Zanderick did the right thing.” Pagpapatuloy ni dad.   Sa sinabi ni daddy ay hindi ko maiwasang magualat. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang ganoong klaseng katatagang. Sa sinabi niya ay parang pinapahiwatig niyang ang lokong ‘yon pa ang tama at ako itong mali.   How could he? Paano niya napaikot ang isipan ng daddy ko?!   “A-ano ang ibig mong sabihin dad?” utal na tanong ko lalo pa at hindi ako makakapayag sa posibleng ibig sabihin ni daddy. Hindi ako makakapayag na kampihan niya ang mokong na iyon.   “Alam mo hija, matanda na ang daddy mo. Ni isang taon na lang and I’ll be celebrating my 60th year of existence. Ikaw lang ang nag-iisang anak ko, Andrea kaya hindi ko hahayaang maiwan kita sa mundong ito nang hindi pa handang harapin ang totoong mundo. I can’t leave you unequipped.” Wika nito na siyang mas lalo lang nagpapakunot ng aking noo.   Mas lalo lang akong naguguluhan sa sinabi ni dad. Wala akong ni kunting alam o clue sa ibig sabihin niya sa mga katatagang binitawan niya.   Sa halip na magtanong muli ay inangat ko na lang ang aking kilay. Sa ginawa kong iyon ay alam kong alam n ani daddy ang ibig kong saibhin. Umiwas ito ng tingin sa akin at ilang segundo itong nakatitig sa kanyang monitor saka bumaling muli sa akin.   “Isa lang naman ang ibig kong sabihin, hija at iyon ay ang pagbabago mo. Hindi sa lahat ng bagay ay may taong palaging nag-aadjust sa ugali mo. Hindi sa lahat ng panahon ay may mga taong gusto ang nakasanayan mong asal. Darating rin ang panahon na iiwan ko ang mundong ito at hindi ako matatahimik kapag hindi ko makitang tuluyan ka nang nagbago,” si daddy na siyang nagpapaangat pa lalo ng aking kilay.   “Dad!” sa gulat ko ay hindi ko maiwasang mapaangat ng boses. “Baka nagkamali lang kayo ng sinabi. Kinakampihan mo ba ang lalaking iyon?” pagpapatuloy ko pa.   Nakaangat ang aking kilay. Hindi ako makapaniwalang sasbihin ni dad sa akin ang mga ganoong klaseng katatagan. Ang ipamukha sa akin na mali ang ginagawa kong ito.   “Kailangan mong matuto, Andrea. Hindi ko hahayaang darating ang panahon na wala ka nang malalapitan pa. Hindi ko hahayaang mag-isa ka na lang na gumalaw sa mundong ito; walang malalapitan at walang matalik na kaibigan para lapitan at kausapin. You should know the right and wrong one.” Mahabang wika ni dad pero kailanman ay hinding-hindi ko siya maintindihan.   “Hindi ko maintindihan, dad. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na ito ang dapat lalo pa at ako ang magmamana sa negosyo natin. Pero ngayon ay parang hindi mo n gusto ang inaasal ko. Dahil ba ito sa lalaking iyon? Ano pa ang paninira niyang sinabi sa inyo, dad?” inis na wika ko. Hindi ito ang daddy na kilala ko. Ang daddy na supportado ako sa nais kong gawin. Hindi itong parang gusto pa niyang magbago.   Magbago para saan? Para magustuhan ako ng maraming tao? I am me and they should like me for who I am. Marami pa namang taong naghahabol dahil sa gandang mayroon ako kaya kailanman ay hindi ko babaguhin ang pagkataong mayroon ako at ang nakasanayan ko.   “I am telling what is right, hija. Para rin naman ito sa ‘yo at sa darating na henerasyon ng buhay mo. Kung ayaw mo ika---” hindi ko na hinayaan pang magsalita si dad sa aking harapan. Hindi ko na rin kayang pakinggan ang mga sermon niya sa akin na kailanman ay hindi ko naman nagustuhan.   Hindi naman ganito si dad dati. Kung tutuusin ay supportado niya ako dati at ilang beses na rin niya akong napuri dahil sa narating ng kompanya at dahil iyon sa pagkataong mayroon ako; kinatatakutan ng lahat at magaling magpaikot ng sino man.     Pero sa sinasabi ni daddy ay parang hindi iyon ang nararapat kong gawin.   “Masyado nang magulo ang araw ko, dad. Huwag mo nang dagdagan pa,” inis na wika ko saka mabilis na tumayo sa pagkakaupo sa upuan sa harap ng mesa ni dad.   Hinding-hindi ko gagawin ang sinabi ni dad. Masungit na ako masungit. Iyon naman talaga ang tunay kong pagkatao at kailanman ay hindi ko iyon babaguhin para lang sa mababang nilalang na nasa aking paligid. That’s been my asset to all my success kaya kailanman ay hindi ko iyon babaguhin. Saka sa paraang ito, nagagawa kong protektahan ang kompanya at nagawang palaguin pa lalo.   Hinding-hindi ko babaguhin ang ugaling nakagisnan ko para lang sa ano mang rason na nais ipahiwatig ni dad.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD