Chapter 5

2396 Words
Andrea’s POV   Hindi na ako nakagalaw pa sa halip ay nanatili na lang akong nakatayo sa kung saan man ako hinarangan ng Lucas na iyon. Nakapikit pa rin ang aking mga mata lalo na at mabilis ang pagsulpot ng pamilyar na lalaking iyon sa aking harapan. Rinig na rinig ko ang bawat pagsuntok na alam kong hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko ngayon.     Marahan ko na lang minulat ang aking mga mata. Kasabay ng pagmulat ko ay ang paglitaw ng lalaking naka all black ang outfit. He’s wearing black jeans, black jacket at a black cap. Bagamat nakasumbrero ito kaya hindi ko makita nang malinaw ang kanyang mukha pero alam kong pamilyar na pamilyar sa akin ang taong ito at hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita o nakatagpoo. Pwera na lang siguro kung makikita ko na nang buo ang kanyang mukha saka ko pa siya makikilala nang tuluyan.   Kitang-kita ko kung paano niya bunugbog ang Lucas na iyon. Nakasandal ito sa aking sasakyan habang hawak-hawak niya ang damit nito’t walang humpay ng sinutok ang kanyang mukha na parang wala nang natitirang awa sa kanyang sarili.   “Stop! Please…” naging mahina ang boses ko nang bitawan ko ang huling katatagan. Kung hindi ko siya pipigilan ay baka tuluyan nang mawalan ng hininga ang Lucas na iyon. Hindi naman niya ako nagalaw kaya kunting parusa lang ang nararapat sa kanya pero sa bawat pagsuntok ng pamilyar na lalaking ito ay parang napakalaking kasalanan ang nagawa ni Lucas.   Nang bitawan ng pamilyar na lalaki si Lucas ay dahan-dahan itong tumayo at lumayo sa kanya. Matahimik itong tuimakbo papalyo sa amin.   “Please, stop…” mahinang wika ko.   Nang makitang tuluyan ko na silang naawat ay saka na ako nakahinga nang maluwag. Hindi humarap sa akin ang pammilyar na lalaking ito sa halip ay nanatili lang itong nakatayo sa aking harapan. I want him to turn in me and see his face at nang maalala ko na ang kanyang mukha gayong sigurado ako sa sarili ko na nagkakatagpo na kami ng lalaking ito noon.   “Huwag kang lumabas na mag-isa kung hindi mo naman kayang ipagtanggol ang sarili mo. Kung wala ako ay tiyak na tuluyan ka nang natikman ng lalaking iyon. Sayang kung ganoon,” mahinang wika nito pero rinig na rinig ko ang boses niyang iyon dahilan para mapaawang ang aking panga sa inis. Nakatalikod pa rin siya sa akin na animo’y walang balak na humarap sa akin.   Gusto ko sana siyang pasalamatan pero sa mga katatagang binitawan niya ay inis ang bumabalot sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa binitawan niyang mga salita. Na animio’y labis ang epekto sa aking sarili sa mga katataga niyang iyon.   “Aba,” mahinaing wika ko saka siya iniwasan ng tingin. Mula sa nakatalikod niyang katawan ay bumaling ang paningin ko sa kung saang parte nitong parking area. “Sino ba ang nagsabi sa ‘yo na ipagtanggol moa ko? Kung alam mo lang ang kaya kong gawin, Mr. Whatever. Kaya ko na ang lalaking iyon at kailanman ay hindi ko kailangan ang tulong mo!” inis na wika ko. Kung makapagsalita siya ay parang siya na ang pinakamagaling na tao sa buong mundo. Kung makapagsalita siya ay parang wala na siyang kinatatakutan pa.   Rinig na rinig ko ang mahihinang tawa niya. Tawa niyang mas lalo lang nagpapainit ng aking sistema.   Damn this man!   “Hoy! Pwede ba? Humarap ka sa ‘kin at nang makita ko iyang pangit mong mukha?” sa inis na nararamdman ko ngayon ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Sa galit ay parang tuluyan nang nawalan ng preno ang aking bibig.   “Sana pala hinayaan na lang kitang matangay at marape ng lalaking iyon,” wika nito at kasabay ng mahinang pagsambit niyang iyon ay ang dahan-dahan niyang pagharap sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas ng t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang kaba sa aking sarili na animo’y may kung anong mayroon siya na nagpapainit ng aking sarili.   “You should be thankful for my arrival, Miss Cervantes,” mas lalo akong nagulat nang dahan-dahan niyang tanggalin ang suot niyang sombrero at doon ay tuluyan nang naaninag ng aking mga mata ang kanyang mukha.   “What the… Zandrick?” gulat na wika ko. Sa nakikita ko ngayon ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko. Mas lalo lang naaninag ng aking mga pandinig ang kayabangan niya kanina.   “Tssss,” ngumiwi ito sa akin saka akmang tatalikuran n asana ako pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon. Hindi ako makakapayag na magtatapos na lang nang ganoon. Hindi pwedeng magmukha akong may utang na loob sa kanyang.   “Hindi pa tayo tapos, Zandrick!” mabilis at matigas na wika ko kasabay ng paghawak ko sa itim niyang shirt. Napahinto naman siya.   Hindi siya nagsalita kaya inangkin ko na lang ang pagkakataong tahimik lang siya. “Kailanman ay hindi ko hiniling na ipagtanggol moa ko. Kaya ko na ang sarili ko kaya hindi ako nagkakaroon at kailanman ay hindi ako magkakaroon ng utang na loob sa ‘yo.” Wika ko. Bumuntong hininga ako. Lalo pa nang maalala ko ang sinabi niya kanina lang. “Saka hindi ako nag-iisa. I am with my---” nang lumingon ako ay napahinto ako nang malamang wala akong makitang sino man sa aking paligid.   “Your body guards? Tsssk. Parang oras na yata para magpalit ka ng mga alalay mo, Miss Cervantes,” mahinaing wika nito saka tulyan na akong tinalikuran.   I rolled my eyes from severe irritation. Gusto ko siyang sampalin at saktan at nang matauhan siya sa mga salitang binitawan niya pero parang hindi ko yata iyong magagawa sa kanya. Lalo pa ngayong tuluyan na niya akong iniwan sa parking lot na ito.   “Zandrick!” sigaw ko at baka sakaling makuha kong muli ang kanyang atensyon pero hindi ko na iyon nagawa pa lalo pa at alam kong nasa malayong parte na siya ng parking lot na ito.    Aba?! Nagawa ba niya akong talikuran? Sa pagkakaalam ko ay walang lalaking kayang tiisin ang presensya ko pero sa pinakita niya sa akin ay parang deadma lang niya ako. Na para bang wala lang ako sa buhay niya. It’s a big insult to me at hinding-hindi ako makakapayag na may lalaking gagawa sa ‘kin n’on!   Inis t galit ang bumabalot sa aking sarili nang sumakay ako sa aking sasakyan. Hindi naman sa hindi ko magawang magpasalamat gayong niligta pa rin niya ako mula sa manyakis na Lucas na iyon pero sa mga katatagang binitawan niya kanina ay parang pinapamukha niya sa akin na wala akong silbi at and I am helpless kaya iyon ang naging dahilan ng aking galit. Kung nanatili lang sana siyang humble ay sana nagawa ko pa siyang pasalamatan. Nawala na sa sistema ko ang salitang salamat lalo pa at nilamon na ako ng galit sa Zandrick na iyon. Mabilis kong pinatakbo ang kotse lalo pa at nilalamon pa ako ng galit sa puntong ito. Hindi na rin naman ganoon karami ang tumatakbong kotse sa daan lalo pa at hating-gabi na kaya malaya akong matakbo nang mabilis. I even tried to call manong Richard’s number pero out of coverage na ito.   “Damn those bodyguards!” inis na wika ko kasabay ng paghampas ko sa monobela nitong sasakyan. Sa inis ay parang gusto kong pisilin hanggang sa tuluyan nang mapunit ang kanilang mukha.   Magagawa ba akong iwan na nag-iisa sa club na iyon? Paano kung may nangyaring masama sa akin at wala ang hayop na Zandrick na iyon? Alam ko namang kaya ko ang sarili ko pero dammit! Alam kong may planong masama ang Lucas na iyon. Hindi maipagkakailang babae ako at lalaki ang Lucas na iyon kaya lamang pa rin ang lakas na mayroon siya kaya alam kong hinding-hindi ko siya kayang labanan.   Lagot talaga kayo sa akin mga hayop na bodyguard kayo. Kapag ito nalaman ni daddy ay hindi ko na alam pa kung saan pupulutin ang mga iyon. Lalo pa at alam kong hindi nais ni daddy na masaktan ako ni kagat lang ng insekto.   Hindi ko mailabas ang aking galit. Galit sa Lucas na iyon, sa mga bodyguard ko at dagdagan pa ng mayabang na Zandrick na iyon na pinagmumukha akong inotil! Nako! Kung alam lang niya kung sino ako ay baka mapatahimik na lang siya sa sulok. I am more than he’s expecting towards me!   “My Princess? O-okay ka lang ba?” ang nag-aalalang tanong ni daddy sa akin nang tuluya na akong nakapasok sa bahay. Sa boses niya ay parang alam na niya ang nangyari sa akin kaya hindi ko maiwasang mapakunot ng noo.   “Nabalitaaan ko ang nangyari sa ‘yo. Sabi ko naman e na----” hindi ko hinyaang matapos ni daddy ang sinabi niya sa akin.   “Paano mo nalaman ang nangyari dad?” naguguluhang tugon ko lalo pa at wala namang ibang taong nakakakita sa sa pangayayaring iyon bukod sa mayabang na Zandrick na iyon.   “Someone calls me about it, hija. Hindi ko inakalang magagagawa kang iwan ng mga bodyguard mo doon lalo pa at sa kanila ko na ipinagkakatiwala ang seguridad mo,” si daddy. Siguro sa sobrang inis ay hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni daddy sa akin sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa paghakbang at nang makarating ako sa sala ay kaagad akong umupo doon at binagsak ang dala kung shoulder bag sa malambot na upuan.   “Dad! Ano ba ang nangyari sa mga bodyguards na kinuha mo? They’re really impotence! Kung makikita ko lang ang mga iyon ay buhay ang magiging kapalit sa ginawa nila sa akin! They are not doing their job, dad!” inis na wika ko na kulang na lang ay mapasigaw ako sa galit sa nangyari sa gabing ito.   This would be the ugliest night I ever had!   “Lagpas alas dyes na at alas dyes ang oras ng pag-uwi ng mga iyon kaya baka umuwi na.” si daddy na siyang nagpapainit pa lalo ng aking utak at pakiramdam.   “Kahit na, dad! Trabaho nila ang protektahan ako kaya hindi sila uuwi hanggang sa makauwi ako ng bahay nang safe!” inis na wika ko.   “Don’t worry, hija. I already fired them in work.”   “Dapat lang, dad!” inis na wika ko.   Hindi pa rin maipagkakailang naiinis pa rin ako anng husto sa Zandrick na iyon hanggang ngayon.   “Gusto mo bang sampahan ng kaso ang Lucas an iyon?” si daddy.   “Hindi na dad. Nagtanda na iyon.” mahinang wika ko kasabay ng paglitaw ng imahe sa aking isipan. Imahe ng Lucas na iyon na alam kong bugbog sarado ng Zandrck na iyon.   “Good. Parang naipagtanggol ka ng knight in shinning armor mo, ah?” si daddy dahilan upang mabilis rin akong mapabaling sa kanya.   “Paano mo nalam ang tungkol sa kanya? And night and…. Yuck! Hindi ko tipo ang mayabang at maangas na tulad niya!” wika ko habang binabalot pa rin ng inis ang aking boses. Inis lalo na sa tuwing nakikita ko sa imahe ko ang Zandrick na iyon.   Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya dahilan para kumulo ang aking dugo. Siguro sa taglay niyang yabang kaya ganoon na lang ako kung umasta sa kanyang harapan. Ewan ko pero parang hindi ko maiwasang mainis sa kung paano siya umasta sa aking harapan.   “Talaga bang ang mga body guard lang ang dahilan sa inis mong ‘yan?” si daddy dahilan para matingnan ko siya nang matutulis sa kanyang mga mata.   “Dad, pwede ba?” inis na wika ko. Ngumiti na lang si daddy sa aking harapan.   “Oo siya, kung gusto mong kumain, tawagin mo lang si yaya. Good night,” mabilis na wika ni dad saka ito tuluyan nang umalis sa aking harapan na alam kong sa kuwarto nito ang tungo.   Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang mayabang na Zandrick na iyon. Wala naman akong naalalang koneksyon namin dahilan para malaman niyang nasa loob ako ng bar na iyon. Kung sakaling nagkakataon man, hindi ko alam kung siya pa. Kung siya pa ang lalaking magliligtas sa akin.   Pero ang mas nakakagulat ay iyong malaman ni dad ang tungkol sa nangyari sa akin sa club na iyon at sa nakikita ko ay parang alam rin niya ang tungkol sa mayabang na iyon.   Hindi na ako kuimain. Nawawala ang gana kong kumain dahila sa lalaking iyon. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis saka hinyaang bumagsak ang aking katawan sa malambot na kama.   ALAS syete at panay na ang tunog ng aking alarm clock. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang bumangon na lang mula sa aking kinahihigaan at dumiretso na sa bathroom.   At tulad ng nakasanayan, I did my morning routine. Almost one hour preparation for my outfit if the day saka na ako bumaba ng stairs. Pero bago pa man ako makalabas ng bahay at makapunta sa parking area ay ang presensya ni daddy ang unang bumungad sa akin.   “Dad,” pinuntahan ko si daddy saka hinalikan ito sa pisnge bilang pagpapaalam pero nang akmang  ipagpapatuloy ko na  sana ang paglabas ng bahay ay narinig ko na namang magsalita si daddy.   “Hindi ka magmamaneho, Andrea,” wika ni daddy dahilan para mapalingon akong muli sa kanyang gawi. Hindi ako nagsalita lalo pa at alam kong may karugtong pa iyon. “I want you to meet—” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinita ko na si dad dahilan para mapahinto ito sa pagsasalita.   “Akala ko ba pinatanggal mo na pati ang driver ko, dad?” kunot noong wika ko.   Napalingon ako sa gilid ni dad nang makita ang lalaking kakarating lang ngayon. He’s wearing a white shirt and a dark blue jean at tulad ng palagi kong nakikita, ay ang itim niyang sombrero.   “Meet Zandrick, your new body guard and at the same time, your driver,” si daddy na siyang mas nagpapagulat pa sa akin.   Author's Note:     Please let me hear your feedback guys. Huwag kalimutang mag-iwan ng kumento sa comment section. ENJOY READING and keep waiting for the next chapters! GOD BLESS!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD