Chapter 4

2507 Words
Andrea’s POV “Good evening ma’am,” yumuko ang security guard nang pumasok ako sa club. Gamit ang mga mata koay tiningnan ko siya mula paa pataas sa kanyang ulo. Ilang segundo ko iyong ginawa saka tuluyan nang pumasok sa loob ng club nang hindi siya pinapansin. Ang iba’t-ibang kulay ng disco lights ang bumungad sa akin. Sa loob ng club ay tanaw ko ang iba’t-ibang business owner dito sa siyudad, mga waiter na abala sa pagseserve ng kani-kanilang orders at iba pa. “Miss Cervantes,” napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang mismong pangalan ko roon. Nang makita ang pamilyar na tao ay nabuhayan kaagad ako ng paningin. “Guys. Look who’s here!” masiglang wika nito sa kanyang kasama. Kaagad nakuha ang atensyon ng mga kasamahan nito at ang pag-uusap nila ay naputol nang maaninag ang aking presensya. “Miss Cervantes,” kaagad silang yumuko sa aking harapan bilang pagbati. Hindi ko na lang sila pinansin lalo pa at ordinaryong trabahante lang naman sila ng kompanya. Sa halip ay nasa kay Vincent nakatuon ang aking atensyon. Kilala ako kahit na saan kaya hindi ko na sila masisisi pang kahit dito ay may nakakakilala sa akin bukod sa manager ng kompanya naming si Vince. “Vince, hindi ko inakalang nandito ka rin pala?” wika ko na kunwari nagulat akong nakita siya pero ang totoo ay wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung sino-sino man ang narito at ang tanging nais ko lang ay ang makahalubilo ang mga sikat at mayayamang business owner pa dito sa siyudad; to negotiate them and show them how elegant my company is. “Yes. Inimbita ako ni Miss Santos. Sino ang kasama mo?” wika nito na siyang nagpapaangat ng aking paningin. Miss Santos- ang head ng finance department. Well, I don’t care kung sino-sino pa ang mga taong nag-iimbita sa kanya. Kahit president pa iyan ng Pilipinas ay wala akong pakialam. Inisa-isa kong tiningnan ang mga kasama ni Vince ngayon. Masyado akong masama sa paningin nila kung itatanong ko kung bakit sila narito kaya nanatili na lang iyon sa akin isipan. As far as I know, this event is exclusive only to business owners or representatives pero hindi ko alam kung bakit narito ang mga ‘to dito. Pero hindi ko na iyon tinuonan pa ng pansin. I guess, these people are Vince’s friends kaya bahala na sila. “Si-silA,” tinuro ko ang isang table kung saan nakaupo ang kalalakihang hindi ko naman kilala. But of them are wearing formal suits kaya alam kong mga business-related person ito kaya okay lang na lumapit ako sa mga ‘to. Saka sa taglay kong ganda ay alam kong hinding-hindi nila ako magagawang hindian. Ngumiti ako kay Vince saka inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila at sinimulan na lang ang paglalakad patungo sa grupo ng kalalakihan na ngayon ay abala sap ag-uusap. May mga glass of wine pa na nasa mesa. Napalunok ako ng sarili kong laway. Just to show Vince na hindi ako nag-iisa dito sa club ay walang pagdadalawang isip kong pinuntahan ang table na tinuro ko kanina. There are 4 mens busy talking in the circle of the tables. Nag-iisa lang akong pumunta dito. Nasa labas lang ang aking body guard at hindi ko na sila hinayaan pang pumasok sa loob nitong bar lalo pa at alam ko naman na safe lang ako dito sa loob at kailanman ay hindi ako manganganib. Saka kaya ko naman ang sarili ko. I know how this word revolve, alam ko kung saan at kailan ako manganganib. “Hi,” ngiting wika ko. Tulad ng inaasahan ko ay kasabay silang lumilingon sa aking kinaroroonan. Ang kaninang seryoso silang pag-uusap ay napalitan ng kakaibang mga tingin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan nila pero isa lang naman ang alam ko at iyon ay ang pagiging interesado nila mula pa lang sa mga mata nila at kung paanp sila tumingin sa kinaroronan ko. Hindi ko na lang iyon pinansin sa halip ay ngumiti na lang ako sa harapan nila kasabay ang pagtingin kong muli sa kinaroroonan ni Vince kanina. Nakatingin pa rin ito sa akin ngayon. “Can I join you here?” ngiting wika. “Su-sure,” utal na wika ng isang lalaking katabi ang isang bakanteng upuan sa gilid nito. Inabot niya sa akin ang upuang iyon. Hindi na ako nagulat pa sa naging reaksyon nila. Sa gandang taglay ko ay walang sino man ang lalaking aayaw sa aking presensya. Iyong iba nga ay handang mabash makausap lang ako kaya kung tutuusin ay maswerte na ang mga ito at ako mismo ang lumapit sa kanila, na hindi na nila kailangan pang magpapapansin at kunin ang presensya ko. Kung hindi lang dahil sa kay Vince ay hindi na ako mag-aabalang lumapit pa sa mga ito. Vince is my former chaser. Noon pa man ay palagi na itong nagpapansin sa akin kaya ayaw kong magkaroon siya ng dahilan para lapitan ako. Ayaw kong makita niya akong nag-iisa lang sa party na ito. Hindi ko type ang lalaking tulad ni Vince at kailanman ay hindi ako magkakaroon ng interes sa katulad niya. Wala pa sa isip ko ang pag-ibig at kung darating man ang taong iyon ay hindi ko alam kung paano ko siya mamahalin at kung kailan iyon mangyayari. Love is a business; iyan ang tingin ko sa pag-ibig kaya kailanman ay hindi ko magiging type ang lalaking tulad ni Vince na isang Manager lang ng isang kompanya. Unless he’s a CEO from elite and known business establishment in the city. “Andrea,” inilahad ko ang kamay ko. Sa lalaking nag-abot sa akin ng upuan kanina ang kinausap ko. Nagtitinginan sila sa isa’t-isa. Siguro nagtataka kung bakit ganito ang inaasta ko pero wala na akong pakialam pa. I just want to show Vince that I am not alone. Not anymore. “Lucas and these are my cousins, Gilbert, Jhon and Clark,” inisa-isa niyang tinuro ang mga kasama niya ngayon sa table kasabay ng pagkakabanggit niya ng pangalang iyon. Hindi ko inalis ang ngiti ko sa aking labi. Sanay na ako sag anito, ang makihalubilo sa hindi kilalang mga tao kaya hindi na bago sa akin ang mga ito. “Uhmmm, nice meeting you Lucas. I am the one and only daughter of Cervantes Group of Company,” ngiting wika ko saka tuluyan nang binitawan ang kamay ng Lucas na ito, lalo pa at pansin kong wala na siyang balak pang bitawan ang kamay kong iyon. Lumipas ang ilang minuto ay ni isa ay walang nagsalita sa kanila kaya ngumiti na lang ako at pinapahalata sa tingin ko kung bakit tahimik na tahimik sila ngayon sa table. Lalo pa at kaninang hindi pa ako dumating ay abala naman sila sap ag-uusap. “Wh-why?” taas kilang kong tanong. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa aking labi para na rin ipakita sa kanila na pwedeng-pwede naman nila akong kausapin. “Hindi lang kami makapaniwalang makakasama at makausap namin ang nag-iisang naka ng Cervantes Group of Company. I’ve seen you in the news and tv interviews multiple time,” ngiting wika ni Lucas na siyang nagpapalapad pa lalo ng aking ngiti. “You don’t have to be surprised, Lucas. Hindi naman ako mahirap hanapin,” ngiting wika ko kasabay ng pag-lagay ng kamay ko sa kanyang hita at doon ay marahan ko iyong hinihipo. I am trying to seduced him, as usual. “Anong kompanya ang mayroon kayo? All of you are cousin?” tanong ko kasabay ang paglibot ng aking paningin sa buong table saka inisa-isa ko silang tiningnan. Ngayon ko pa lang nakikita nang malinaw ang kanilang mukha. Ngayon ay hindi na ako nagtataka pang magpinsan nga silang lima gayong may mga feature ng kanilang mukha ang magkakapareho. Pero ang nagpapatuon ng pansin ko ay ang kanilang physical appearance. They’re hot, honestly. Kung tulad lang siguro ako sa ibang babae ay kanina pa ako naakit sa katawan atb mukhang mayroon sila. Maskulado at binatang-binata ang dating. Pero hindi ko na iyon pinansin pa gayong iba naman ang pinunta ko dito at hindi ang ganito. “Apo kami ng Silva Hotels and we’re here to represent our company and we’re really glad that we met such successful business woman like you,” ngiting wika ni Lucas habang tahimik lang ang apat na pinsang kasama nito. “Silva Hotel…” napaiwas ako ng tingin lalo pa at parang pamilyar sa akin ang pangalang iyon. Parang minsan nang nabanggit ni dad sa akin ang pangalang iyon pero hindi ko lang talaga matandaan. Ilang segundo rin akong nag-isip at nang maalala iyon ay mabilis rin akong bumaling pabalik kay Lucas. “Tama! The five-star hotel in the city! Minsan ko na ring narinig ang kompanya ninyo sa news at hindi ko inakalang makakausap ko mga representatives ng hotel na ‘yon.” Huminto ako sa pagsasalita. Hindi naman sila nagsalita kaya alam kong ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanila ang tanging sadya ko. “Pwede ko bang makausap ang manager ninyo? O baka pwedeng direct to your CEO na lang,” walang pagdadalawang wika ko sa kanila. Nagkakatinginan sila sa isa’t-isa na alam kong nagulat sa sinabi kong iyon. “If you want to talk directly with the CEO, Miss Cervantes, then I can give you the calling card but if you’re looking for the manager, actually, I am the manager,” ngiting wika nito sa akin na siyang nagpapagulat sa akin. Dammit! Hindi ko inakalang ang lalaking kausap ko ngayon ay ang manager pala ang kompanyang gusto kong maging parte ng aming kompanya. Napahinto ako saglit. Lalo pa at kakaiba ang inaasta ko kanina. Pero hindi ko na inisip iyon. Lalaki ang mga ito kaya alam kong mabilis ko lang silang paikutin. Hindi na mahirap sa akin ang kunin ang atensyon nila. “Ohhh, sorry. I din’t expect that. Nice meeting you again, the manager of Silva Hotels,” ngiting wika ko saka iniwasan ng tingin si Lucas. Sa mga kasama niya ngayon nakatuon ang aking atensyon. Nanatili ako nang ilang minuto sa kanilang table. Tulad ng palagi kong ginagawa sa aking mga business partners ay sinasabayan ko lang sila sa kung ano-ano ang laman ng kanilang usapan. Ngayon ay kumbinsido na akong magiging parte na ang aking kompanya ang Silva Hotels at alam kong maging masaya naman si Daddy nito. Makalipas nag ilang minuto nang mamataan ko ang taong siyang sadya ng pagpunta ko rito sa club. Si Mr. Chua. Ang may ari ng Bayfront Resort. Ang sikat at nangungunang tourist spot sa siyudad. “Excuse me,” wika ko kay Lucas. Alam kong hindi pa sana nila nais na umalis ako table nila pero hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at mabilis ko na ring iniwan ang mesa na iyon at hinabol si Mr. Chua. “Mr. Chua,” wika ko. Marinig nito ang aking boses ay kaagad rin itong napatingin sa aking kinaroroonan. Napaayos ako ng tindig lalo pa at kilala ko ang tip ni Mr. Chua. “Miss Cervantes. I didn’t expect to see you here,” ngiting wika nito sa akin. Marahan ko itong nilapitan. Gamit ang abilidad kong umakit ng mga kalalakihan ay alam kong sa puntong ito ay unti-unti ko na namang nakukuha ang loob ni Mr. Chua. “At ikaw talaga ang pinunta ko dito, Mr. Chua,” kaakit-akit na boses ang binitawan ko. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang tingin ni Mr. Chua ngayon. He’s 40 years old at hindi ako magdadalawang isip na patulan siya para lang sa business na mayroon ako. “Ohhh, I must be lucky Miss Cervantes,” ngiting wika nito sa akin saka dahan-dahang hinawakan ang aking balakang saka ako akamg hihilahin papalapit sa kanya pero bago pa man niya iyon nagawa ay kaagad ko rin siyang napigilan. “Masyado kang agresibo, Mr. Chua. Hindi mo pa nga alam ang sadya ko sa ‘yo lumilikha ka na ng galaw,” I place my thumb in his lips saka iniwan ang kamay niyang muntik nang tuluyang dumapo sa aking balakang. “Paano ko pa tatanggihan ang isang Andrea Cervantes?” ngiting wika nito na alam ko na ang ibig nitong sabihin. Alam kong sa puntong ito ay magwawagi na naman ako. Minsan ko lang nakakatagpo ang mga taong hindi ko magawang kontrolin. Tulad ni Mr. Chua ay nagagawa ko ang gusto ko gamit ang pisikal na anyo na mayroon ako. This would be my asset in dealing with business owners. Alas dyes na nang makalabas ako ng club. Napadako ang tingin ko sa mesa kung saan naroon kanina ang Silva Siblings pero wala na roon doon. Well, hindi na rin akop lugi gayong nakuha ko na naman ang calling card at atensyon nila. Once of these days, tatawagan at tatawagan ko ang CEO na tinutukoy ng Lucas na iyon. Nang makalabas ng club ang ang malamig na bugso ng hangin ang unang bumungad sa akin. Kinuha ko na lang ang scarf na nasa bag ko at saka ko iyon binalot sa aking leeg para na rin maibsan ang lamig. Alas dyes na kaya hindi ko maipagkakailang tahimik na ang buong siyudad. Hindi na rin ganoon karami ang taong nasa loob ng bar at kadalasan sa kanila ay nasa impluwensya na ng wine. Mabilis kong kinuha ang susi ang aking sasakyan at nang makuha ko na iyon ay mabilis akong bumaling sa aking sasakyan pero bago ko pa nagawang buksan ang sasakyan ko ay nagulat ako nang mamataan ang pamilya na mukha sa aking harapan ngayon. He’s blocking my way. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang manginig lalo pa at alam kong may kakaibang namumuo sa kanyang paningin ngayon. “Lu-lucas,” utal na wika ko. “Inaabangan ko talaga ang paglabas mo, Mis Cervantes,” mahinang wika niya. Magkalapit lang ang aming paninging ngayon kaya hindi ko maiwasang malanghap ang hininga niya at doon ay amoy na amoy ko ang alak na iniinom niya. Nasa impluwensya ng alak sa puntong ito. Napalingon ako sa paligid sap ag-aakalang makikita ko ang mga body guard ko pero hindi ko sila naaninag kaya ngayon pa lang ay unti-unti nang nanginginig ang aking lalamunan. “A-ano ang ibig mong sabihin, Lucas?” napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman ang kamay niyang dahan-dahang hinihipo ang aking balakang. Mabilis ko iyong itinakwil. “Ano ba! Get off from me!” malakas ang boses ko pero sa lalim ng gabi ay alam kong walang sino man ang makakarinig sa akin ngayon. “Masyado mo akong binitin kanina, Miss Cervantes,” mahinang wika niya sa akin ngayon kasabay ang akmang paghawak sa aking kamay pero bago pa man niya nagawa iyon ay naaagaw ang atensyon ko nang mamataan ang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. “You’re having a wrong victim,” matigas ang boses na pinakawan niya saka mabilis na inilayo ang kamay ni Lucas sa akin. Walang kahirap-hirap niya iyong tinulak dahilan upang mapasandal ito sa aking sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD