Zandrick’s POV NAGULAT ako nang bigla kong namalayang bigla na lang nawalan ng malay si Andrea sa aking harapan. Bigla itong napasandal sa aking katawan na alam kong dahil sa matinding pagod na kanyang nararamdaman. Mabilis ko itong hinatak. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang dalhin siya pabalik sa warehouse. Alam kong hinding-hindi pa niya gustong bumalik roon sa mga oras na ito pero wala na naman akong ibang naisip na lugar kung saan ligtas kami. Hindi ko na ininda pa ang sugat na mayroon ako. Mabilis akong humakbang pababa nitong gusali at nagtungo sa aking kotse. Hindi ko na ininda pa ang bigat na mayroon siya. Alam kong dahil ito sa matinding pagod at matinding nararamdaman kaya siya nagkakaganito at sobra akong nalungkot sa nangyaring ito. Kung ako ang papipiliin ay hi