Zandrick’s POV Mula sa aking monitor ay umiwas ako ng tingin. Nakatuon na ngayon ang aking atensyon sa labas nitong opisina. nasa malayong parte ng siyudad nakatuon ang aking atensyon. Mula sa transparent glass window nitong opisina ay muling bumaling ang aking paningin sa mesa ngunit sa puntong ito ay nakatuon na iyon sa isang basong punong-puno ng alak. Napalunok ako ng sarili kong mga laway lalo pa at ilang minuto rin ang lumipas nang sumimsim ako rito. Mula sa alak ay bumaba ang tingin ko sa aking telepono. Hindi ako nagsayang ng ilang minuto at kaagad ko rin iyong kinuha saka mabilis na binuksan. Bumaling akong muli sa tapat ng bintana habang sa cellphone ko pa rin nakatuon ang aking atensyon. Mabilis kong binuksan ang contacts saka hinanap ang numerong sadya ko sa puntong ito