Andrea’s POV Natigtilan ako sa sinabi ni Zandrick. Sa puntong ito ay hindi ko maiwasang magulat sa katatagang kanyang binitawan. “Kailan pa?” ang tanong na muling lumabas sa aking bibig. Hindi ko maiwasang magulat nang husto lalo pa at hindi ko inaasang magawa niyang maglihim sa akin. Ang magawa niyang magtago ng desisyon sa akin. Sa sampung taon naming pagsasama ay hindi ko inakalang may isang lihim pala siya sa akin. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako makagalaw pa sa aking kinatatayuan. Ni sa pagtingin sa kanyang mga mata ay hindi ko maiwasang tagalan iyon. Hindi ko maiwasang isipin na naglihim siya sa akin at para na rin niya akong pinagtaksilan dahil doon. Naging maseryoso pa lalo ang kanyang paningin. Sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko na ang tinik ng kanyan