Andrea’s POV “Hanggang kailan ako manantili dito?” tanong ko kay Zandrick. Tuluyan na rin kaming nakarating sa sala. Nakaupo lang ako sa malambot nilang corner seat habang siya ay pinapaandar ang tv nito. Nang matapos sa kanyang ginawa ay saka pa siya bumaling sa akin. He then looks at my eyes. Sa pamamagitan ng kanyang tingin ay hindi ko maipagkakailang mailang nang husto. Lalo pa at alam kong may ibig sabihin ang mga tingin niyang iyon. Na alam kong may kahulugang namumuo ang mga tingin niya sa akin ngayon. Umiwas na lang ako ng tingin. Lalo pa at hindi ko na kayang pantayan pa ang tingin niya sa akin ngayon. It’s dangerous as earlier. “Youill go with me until everything is okay, Miss Cervantes.” Wika nito sa akin. Rinig na rinig ko ang malamig na tono ng boses na binitawan niya.