Zandrick's POV "Dad," bungad ko kay daddy. Nakaupo lang ito ngayon sa kanyang swivel chair. Ilang segundo na akong nakatayo dito sa harapan niya ngunit hindi pa rin iyo bumaling sa akin. Hindi ko alam kung ano ang plano niya o ang sasabihin niya sa akin ngayon at kung bakit niya ako pinapatawag. Umupo ako sa upuang nasa kanyang harapan. I look at his eyes seriously. Ilang minuto pa ang nakalipas nang muli itong bumaling sa akin. "Ilang linggo na Zandrick?" Ang bungad nito sa akin. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo lalo pa at hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Ilang segundo kaming nagkatitigan ni dad bago ako akmang magsasalita. "Wh-what do you mean, dad?" Tanong ko sa kanyang. Kitang-kita ko ang seryosong mga tingin ni dad sa akin. Ang mga tingin niyang alam kong may ibig