Lalo akong hindi dinalaw ng antok noong gabing iyon kaya nagpasya na lang akong magtimpla ng kape. Sisilip sana ako sa bintana pero bago ko pa lang hahawiin ang kurtina ay saka naman biglang kumidlat. Para itong ilaw na kumikislap kaya mabilis akong napalayo sa bintana. Inayos ko na lang ang comforter ni Skye at bahagyang hininaan ang air-conditioner dahil umuulan naman sa labas. Kinuha ko ang aking roba at isinuot iyon, kahit paano ay naibsan ang lamig. Tulog-na tulog ang anak ko bago ako lumabas sa kuwarto. Malamig ang panahon, tamang-tama lang na uminom ng kap kahit sa kalaliman ng gabi. Ang tanging nakabukas lang ay ang lamp post na nasa magkabilang gilid ng iilang baitang na bababaan bago makarating sa salas. Tahimik na naglakad ako papunta sa kusina at iyong ilaw na lang din d