“I’m okay now, mom. Bakit po hindi pa rin ako pwedeng pumasok sa school?” Ramdam ko ang titig ni Skye sa akin habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian. Medyo late na nga dahil pareho pa kaming busog. Bahagya akong tumigil at sumulyap sa kanya na nakaupo sa stool sa harap lang ng sink. Ngumiti ako sa kanya bago umiling. “Tomorrow, sweetheart. Bukas, pwede ka nang pumasok.” Tatlong araw na pabalik-balik ang lagnat niya kaya kailangan kong i-monitor. Ngayon na ika-apat na araw ay tuluyan nang nawala ang lagnat pero hindi ko pa siya pinapasok sa school. Alam naman ng teacher niya kaya walang problema na mag-absent sa klase. Pagkatapos maghugas ay pinunasan ko lang ang basang kamay bago lumapit sa kanya. “I can walk, mom. Okay na po a